^

Pang Movies

Jay Manalo tinalbugan ang mga kilalang beki

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Saan naman kaya humugot ng inspirasyon si Jay Manalo noong gumanap siyang bakla sa pelikulang Pusit na idinirek ni Arlyn Dela Cruz?

Imagine, machong-macho at bilang na ang mga napaibig na chicks ni Jay pero nang umarte siya bilang beki ay natalbugan pa niya ang mga kilalang beki sa showbiz.

Mistula siyang matronang aktres na nalaos na ang beauty sa pagganap. Kahawig din niya ang Hollywood actress na si Mamie Van Doren. Magaling na artista si Jay. Hindi nagkamali ng pagkuha sa kanya si Direk Arlyn. Muntik pa nga niyang talunin si Paolo Ballesteros sa pag-transform ng beauty ng ibat ibang character. Oh, laban ka?!

Aljur bawal nang maghubad?!

May nagkuwento, palakasan daw ng palakpak at sigawan ang mga bakla at matrona na nanood sa show nina Rocco Nacino, Jake Vargas, Aljur Abrenica, at Derrick Monasterio sa may bandang Greenhillls, San Juan kamakailan.

Nakakatulig daw ang sigawan noong mag-topless si Derrick. Humanga rin ang marami kay Jake at Rocco. Sulit na sulit daw ang bayad ng mga nanood.    

Ang problema, may ilang kumukuwestion kung bakit hindi nag-topless si Aljur.

Na-insecure ba siya o kaya may nagbabawal na sa kanyang gawin ang paghuhubad sa entablado? Sayang maganda pa naman ang katawan ni Aljur na mala-Machete.

Samantala, si Jake raw ay medyo out of focus doon dahil matataas ang mga kasama at mukha pa siyang totoy para mag-topless. Sa totoo lang, nagklik ang show at may mga alok na galing sa abroad. Outstanding daw si Derrick dahil dumadamba pa sa tuwa ang mga bading at matronang bata sa paghanga.

Child stars tuloy ang pagpupuyat sa taping

Ano ba yan, totoo bang tuloy pa rin ang pagpupuyat ng mga director sa mga child star sa mga teleserye at pelikula? Inuumaga raw ang iba at nakakaalarma kapag sampalan o batukan ang eksena na totohanang ginagawa ng mga artista sa mga batang gumaganap.

Teka, wala bang mga anak itong mga director na ito at hindi dama ng mga nanay na kasa-kasama sa shooting ng mga bata? May mga gusto mang mag-complain, hindi magawa dahil baka patayin na sa eksena ang anak nila kapag nagreklamo. Sana namay ay makarating ito sa mga kinauukulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with