^

Pang Movies

Maine at Alden may bantay sa bakasyon sa Germany

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mali ang akala ng AlDub fans na susunod kay Alden Richards kahapon sa London, England si Maine Mendoza.

Nasa Barangay segment ng Eat Bulaga kahapon somewhere in Pasig si Maine. Sa sobrang pagka-fanatic ng AlDub supporters, mukhang ‘yung mga iniisip pa lang nila ay inaakalang totoo na, huh!

Sa end of October sigurado na raw na sandaling magbabakasyon sa Germany (at London yata) sina Maine at Alden.

Sasama raw ang mga ito sa bakasyon ni Mr. Tony Tuviera (at ng pamilya nito).

Assunta ngarag sa pag-aasikaso ng mga hacienda

Mula sa airport noong Wednesday, umuwi lang ng bahay si Assunta de Rossi at dumeretso na sa presscon ng Higanti.

Galing sa Amanpulo sa Palawan si Assunta kasama ang mister na si former Congressman Jules Ledesma.

Ilang araw ring nagbakasyon doon ang mag-asawa para makapag-relax-relax.

Hindi naman daw matatawag na ho­neymoon ‘yon, basta napagkasunduan lang daw nila na isingit ang maikling bakasyon sa Amanpulo.

Kahit daw hindi na isang politician si Jules, abala naman daw ito sa dalawang hacienda nila na mismong silang mag-asawa ang nagpapatakbo.

Aminado nga pala si Assunta na siya ‘yung maraming problema kaya nahihirapan siyang magbuntis at sa balak niyang pagpapahinga ngayon, inaasahan niya na maayos ang mga problemang ‘yon para tuluyan na siyang magbuntis.

Si Jules naman daw ay nakadalawang anak na, kaya ‘yung mga problema raw niya ang kinukunsulta niya sa mga doktor para finally ay makabuo na sila.

Isa lang daw ang gusto niyang maging anak at masaya na siya sa dalawang anak ni Jules.

Misis ng isang congressman ang role ni Assunta sa Higanti at maraming pagdurusa ang inabot ng character niya sa mister sa pelikulang ‘yon na ginampanan ni Jay Manalo.

Malayo raw ang character niyang si Lennie sa buhay niya kahit naging misis din siya ng dating congressman sa totoong buhay.

Sa pelikulang Higanti kasi, nambabae pa ang mister ni Assunta at binalak pa siyang patayin.

“Napakalaki ng pagkakaiba sa buhay ko in real life ‘yung cha­racter ni Lennie na ginampanan ko sa pelikula. Sobrang naging pahirap sa kanya ‘yung mister niya,” sabi pa ni Assunta.

In real life nga pala, kumpare ni Assunta si Jay dahil inaanak pala ni Jules ang second child ni Jay at ng misis nitong si Raissa.

Bilib si Assunta sa galing umarte ni Jay at gayundin naman ang kumpare niya sa galing niyang umarte. Una silang nagkatrabaho sa pelikulang Hubog kung saan nanalong best actress si Assunta sa Metro Manila Film Festival at Urian. Dahil sa Hubog, si Assunta ang youngest best actress that time sa Urian.

Kahit nga pala sinasabi ng direktor nilang si Rommel Ricafort at ng producer nilang si Ms. Tess Cancio na sobrang galing ni Assunta bilang Lennie sa Higanti, ayaw umasa ni Assunta ng award at sinabing pinagbuti lang niya ang role niya sa pelikulang nabanggit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with