^

Pang Movies

CoCo ayaw ipag-ingay ang yaman

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Tikom ang bibig ni Coco Martin nang matanong sa pasasalamat presscon ng FPJ’s Ang Probin­syano, na one year nang umeere, last September 28, kung how much he is worth now.

Well, ayon sa isang reliable source, properly invested daw ang mga kinikita ni Coco. At ang higit na kahanga-hanga sa kanya, ayon pa rin sa aming kausap, sinisiguro niya na isini-share ang kung anumang kasaganaang maituturing niyang ini-enjoy ngayon sa kanyang pamilya.

Lalo na sa kanyang lola, dahil aminado siyang lola’s boy siya.

Nang matanong kung alin sa mga episode ng Ang Probinsyano ang isa sa kanyang mga paborito, aniya ay nang makaeksena niya si Cesar Montano.

Aminado siya na isa si Cesar sa mga actor na kanyang hinahangaan.

Aside from Cesar, present din sa presscon sina Susan Roces, Jaime Fabregas, Albert Martinez, Arjo Atayde, Pepe Herrera, Yassi Pressman at ang dalawang young talents na sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Mak-Mak” Briguela.

Late dumating si Eddie Garcia, na nanggaling pa sa Tanay, Rizal, na ayon sa kanya, iniwanan pa niyang nagti-taping ng ilang eksena si Agot Isidro at ilang guest talent ng series.

Obvious na ito rin ang dahilan kung bakit hindi nakadalo sa presscon ang tatlong director ng series na sina Malu Sevilla, Avel Supongco and Toto Natividad.

Onyok bahay at lupa ang sunod na target

At dahil birthday na ni Onyok (October 1), binigyan siya ng cast and production staff ng cake para sa kanyang sixth birthday.

Natanong siya kung ano ang na ini-expect niya sa kanyang Kuya Cardo, ang karakter na ginagampanan ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano. Mabilis sumagot si Onyok na matagal na siyang binigyan nito ng isang set ng mga character ng Star Wars, na kanyang paboritong laruan.

At ayon kay Onyok, mahal ito. Expensive, diin pa niya.

Samantala, natupad na raw ang pangarap niyang magkaroon ng van, dahil dati raw, kinakailangan nila ng kanyang ina na mag-commute, mula Laguna hanggang sa location ng taping nila.

Next goal daw ni Onyok ay ang magkaroon sila ng sariling bahay.

As per the advice rin daw ng kanyang Kuya Cardo, hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral.

He is now in grade one.

Star studded concert sa anniversary ng Probinsyano, libreng-libre

Sa celebration din ng first anniversary ng FPJ’s Ang Probinsyano, magkakaroon ng thank you concert ang buong cast ng series sa Araneta Coliseum sa October 8, Saturday.

Yes, magpe-perform live sina Coco, Maja Salvador, Arjo, Simon, John, Yassi at Bela Padilla.

Pati na rin si Susan, ganundin sina Agot, Albert at Eddie G.

May mga number din sina James Reid at Nadine Lustre, Janella Salvador at Elmo Magalona, McCoy de Leon at Elisse Joson, pati na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel and several ASAP Live regulars.

Natural na may numbers din sina Vice Ganda and his fellow It’s Showtime mainstays na si Vhong Navarro at ang grupong Hashtags, among others.

A special tribute to the late Hari Ng Pelikulang Pilipino, Fernando Poe, Jr., or plain FPJ, will be held.

And guess what?

Free ang nasabing concert.

Para makakuha ng libreng ticket, pumasyal lang sa ABS-CBN Center Road ngayong Sabado at Linggo (October 1 at 2), mula 1:00 pm hanggang 7:00 pm.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with