^

Pang Movies

Alden nasa wish list ang panonood kay Rachelle

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

As per report ng GMA Pinoy TV in the United Kingdom kahapon ng umaga dumating sa Heathrow International Airport sa London si Pambansang Bae Alden Richards, na nagulat ang mga security assigned sa kanya nang mapuno ang tube ng Philippine Airlines ng kanyang fans. Hindi raw nila in-expect na ganoon karami ang sasalubong sa actor na marami sa kanila ay galing pa sa iba’t ibang lugar sa UK.

Isang press conference agad ang ginanap na covered ng GMA Pinoy TV para ipaalam na dumating na ng bansa si Alden para sa kanyang concert titled At Last In London na gaganapin bukas, October 2, sa Troxy Theater in London, 3:00 pm -5:00 pm.

Bago umalis ng bansa si Alden last September 29, na-interview siya ng 24 Oras at sinabi ni Alden na excited na siyang makita ang ilang lugar na pwede niyang puntahan sa London, dahil first time niya. Isa rin sa wish niya ay makapanood ng musical play na Les Miserables at makita si Rachelle Ann Go as Fantine na matagal din niyang nakasama noon sa Sunday Pilipinas ng GMA7.

Rachelle sa broadway naman magpapasiklab

Congratulations naman kay Rachelle Ann Go, dahil she will be making her Broadway debut in 2017 sa muli niyang pagganap bilang si Gigi sa revival ng musical play na Miss Saigon. Kaya pagkatapos ng Les Miserable sa West End sa London, pupunta na ng Broadway in New York si Rachelle Ann, ang original home ng Miss Saigon. 

Ang musical play ay ipalalabas sa Broadway Theater simula sa March 1, 2017 until January 13, 2018.

Nar paborito sa Superstar Duets

Bawat tanungin namin kina Joross Gamboa, Jerald Napoles, Divine Aucina, Rita Daniela, ilan sa mga contestant ng Superstar Duets, kung sino sa palagay nila ang pwedeng mananalo, iisa ang sagot nila, si Nar Cabigo, dahil napaka husay daw nito talaga, sa pagkanta at sa pagpapatawa.

Ngayon ngang gabi, sa pagbubukas ng part two ng Superstar Duets, pahinga muna si Nar, hindi muna siya magpi-perform at ang anim na contestants ang magpapaligsahan sa pag-awit, ka-duet ang mga international singers na in-assigned sa kanila ng production

Seryoso naman ang tatlong judges na sina Christian Bautista, Aicelle Santos at Allan K, kailangan daw nilang pakinggan mabuti ang pagkanta ng mga contestant, dahil dapat marinig nila kahit isang note lang na mali na one point against na sa kanila iyon.

Ang host namang si Jennylyn Mercado, kahit daw mahuhusay lahat ng mga contestant, pinili na lamang niyang walang maging favorite. Thankful din si Jennylyn sa magandang feedback at mataas na rating ng kanilang show na napapanood every Saturday evening, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with