^

Pang Movies

Assunta magpapatulong na sa siyensiya para magkaanak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Siyam na taon din ang ginugol ni Assunta de Rossi kasama ang asawang si dating Congressman Jules Ledesma upang asikasuhin ang hacienda sa San Carlos City sa Negros Occidental. Ngayong plantsado na ang lahat at isasaayos na lang ang pagbibigay ng bahagi ng lupa sa workers doon, ang pagkakaroon naman ng anak ang target nilang mag-asawa.

Kadarating lang ni Sam (tawag kay Assunta) mula sa bakasyon sa Amanpulo nang sumipot sa pocket presscon ng movie nila ni Jay Manalo na Higanti.  Dahil sa magkakasunod na drama series, nito lang sila nagkaroon muli ng bakasyon ni Jules.

Aminado ang aktres na marami siyang problema sa katawan kaya hindi pa nabubuntis. Pero open naman silang mag-asawa sa mga nauusong paraan upang magkaanak.

“Fourteen (years) na kaming married ni Jules at ten years kaming naghihintay para magkaroon ng anak.

“At least masaya nga dahil maraming options sa panahon ngayon. Siguro iniisip namin na everything happens at the right time. Minsan kasi ‘pag pinilit mo, lalong hindi. Lalong hindi mangyayari. I mean kahit sa anong bagay siguro.

“Siguro ‘yung Panginoon na lang ang aming pinanghahawakan. Eh everything naman is falling into place lalo na sa dalawang hacienda namin ngayon, we control na everything so. Over the past eight years ‘yon ang naging focus namin.

“That’s our legacy na. Kaming mag-asawa. Eventually idi-distribute namin ‘yon sa workers. Ngayon, marami nang investors. Medyo high nga lang ang price. Wala kaming anak.

“Ngayon, baka si God maawa na rin. You’ve taken care of everything, it’s now time I take care of you. Baka ganoon,” paliwanag ni Assunta.

Balitang balak magpa-invitro ni Assunta upang matupad na nila ng asawang makabuo ang pamilya.

Anyway, si Rommel Ricafort ang director ng Higanti na magkakaroon muna ng screening sa Hong Kong at Dubai bago ito ipalabas sa bansa.

Aktor pinagkakaperahan ng mga fans!

Sinasamantala raw ng ilang fans ang kanilang ido­lo pagdating sa pagkakaroon ng ilang tao ng picture kasama ang idolo.

Ang chika, naniningil daw ng bayad ang mapagsamantalang fans ng sikat na aktor, huh! Take note na hindi maliit na pera ang sinisingil nila, huh! Kaya naman nabibigyan ng priority ang nagbabayad kesa sa hindi upang mapalapit ng picture sa aktor!

Eh wala namang alam ang aktor sa paniningil na ginagawa ng ilan niyang fans. Kaya naman may naglakas-loob na isa sa fans ng aktor ang magsabi tungkol sa pananamantala sa kanya.

Kaya ngayon, iwas na ang aktor sa grupo ng fans niyang ito dahil malaking kasiraan nga naman ‘yon sa kanya lalo na ‘pag may nagreklamo o naglabas tungkol dito sa social media, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with