^

Pang Movies

Toni 38 hours nag-labor!, Melai buntis sa pangalawang anak kay Jason!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dalawang magandang balita ang tumambad sa showbiz kahapon ng umaga. Nanganak na si Toni Gonzaga sa panganay nila ni Paul Soriano ng isang healthy baby boy habang si Melai Cantiveros naman ay inanunsyo sa Magandang Buhay morning show na buntis siya sa pangalawang anak nila ni Jason Francisco.

Si Direk Paul ang mismong nagbalita sa kanyang Instagram account kahapon ng umaga ang successful delivery ng misis. Sinabi na rin niya ang ipapangalan nila sa kanilang baby.

Severiano Elliot Gonzaga Soriano (Seve) has arrived! Born 5:23am on Sept. 30, 2016 at 7.2 lbs. Tin and Seve are doing great and now taking it easy. Thank you all for your prayers and support! God bless. #BabyBoy,” ang post ni Direk Paul.

Congrats Direk Paul and Toni!

Ang sabi, 38 hours nag-labor si Toni.

Samantala, pagkatapos manganak ni Toni, sa Magandang Buhay ay isang pasabog naman ang announcement ni Melai that she’s 10 weeks pregnant.

“May bago kaming blessing mag-asawa ni Jason, at magiging ate na si Mela (panganay nilang anak). Siya ang aming sinasabing bagong kapamilya dito sa Magandang Buhay. Ten weeks akong pregnant. Thank you Lord for all the blessings,” sabi ni Mela.

Nagkaiyakan nang tawagin na si Jason sa stage kasama si Baby Mela. Umiyak ang mag-asawa at pati ang mga co-hosts ni Melai na sina Jolina Magdangal at Karla Estrada ay nagsiiyakan din.

Of course, hindi naman lingid sa publiko ang pinagdaanan ng Melason couple na muntik na silang maghiwalay recently kaya nakakatuwang nalampasan nila ang unos at naisalba ang kanilang marriage.

Nang mahingan si Jason ng mensahe, say niya kay Melai, “mahal na mahal ko kayong dalawa (ni Mela) at saka si baby future.”

Say naman ni Melai, “Papang, thank you for always (being) there for me and kay Mela and thank you for understanding. And mahal na mahal ka namin ni Mela. Kahit ano pang mangyaring baha talaga, magbabangka tayo.”

Congrats Jason and Melai!

Yassi naisahan sina Bela at Maja, nasolo si Coco!

Last woman standing ang dapat itawag ngayon kay Yassi Pressman dahil siya na lang ang leading lady ngayon ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano. Solong-solo niya ang aktor matapos mawala ang iba pang nakaparehang aktres na sina Maja Salvador at Bela Padilla.

Matatandaang last August pumasok si Yassi sa serye bilang field reporter na si Alyana. Say nga niya sa anniversary presscon ng FPJAP last Thursday, talagang pinaghandaan niya ang kanyang role.

“Nung nalaman ko po na magiging reporter ako, sobrang pinag-aralan ko rin po talaga. Ang hirap palang maging reporter. May tamang pagsasalita, kailangang nandu’n ka sa lahat ng lugar, kung nasaan ang balita, tapos, kailangang subukan mong maging una.

“Tapos inaral ko po talaga ‘yung TV Patrol, kung pa’no sila magsalita,” pahayag ni Yassi.

Nang matanong kung hindi ba siya natatakot na ma-compare kina Maja Salvador at Bela Padilla, ayon kay Yassi ay aminado siyang napakagaling ng nabanggit na dalawang aktres.

“Feeling ko po, hindi talaga maiwasan ‘yung pagko-compare sa mga ibang nakatambal din ni Coco, pero so far, sobrang saya rin po ng mga pagtanggap nila sa Twitter po, sa Instagram, sa mga pino-post nila, kaya natutuwa rin po ako na tinatanggap din nila ako,” sey ni Yassi.

Ilang months na rin naman niyang nakakasama si Coco at napakarami raw niyang nadi-discover na magandang katangian nito.

“Sobrang bait. Siya po ang tipo ng aktor na hindi niya itinatago sa sarili niya kung ano ‘yung nalalaman niya. Gusto niya, lagi niyang sine-share sa lahat kung ano ‘yung nalalaman niya,” she said.

Since lahat ng leading ladies ni Coco ay nali-link sa aktor, ready rin ba siyang ma-link sa leading man since pareho naman silang single?

“Hindi ko po alam,” natatawa niyang say. “Basta ang alam ko lang po, si Coco po napakabait, napaka-passionate, napaka-hardworking.”

Boyfriend material din ba?

“Masasabi kong oo. I’m pretty sure naman, masasabi rin ‘yun ng lahat ng tao dahil maasikaso po talaga si Coco.”

Dahil nga paiba-iba ng leading lady si Coco, she could only wish na magtagal siya sa soap.

“Sana, hindi ako mamatay ever, sa kung ano mang mangyayari sa akin, katulad po ng nangyari kay Eric (Paulo Avelino), ‘yung na-kidnap nga po (ako). Sana lagi akong ma-save ni Cardo (Coco) para makapaglaban ako on my own.

“Kung sa aalis po, sana hindi. Pero tingnan po natin kung ano po ang mangyayari sa kwento. Tulad nga po ng sabi nila, itong buong three months sa Ang Probinsyano, pinaghahandaan ng creative, ng writers, para po sa Kapamilya natin siyempre,” sey pa ni Yassi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with