^

Pang Movies

Sharon muntik nang mamatay dahil sa katabaan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Malaki na ang nabawas sa dating timbang niya pero kinakarir pa rin ni Megastar Sharon Cuneta ang ilang pounds pang babawasin niya.  Masayang humarap sa entertainment press si Shawie at ipinagmalaki ang kanyang figure ngayon, plus ang happiness niya na muli nga siyang tutungtong sa concert stage.  Her first sa The Theatre at Solaire sa two night concert niya on October 15 & 22, 2016, at 8:00pm.

Inamin ni Sharon na kinailangan na niyang magbawas ng timbang dahil naapektuhan na rin nito ang kanyang health.  Natakot daw siya talaga nang minsang tumaas ang kanyang blood pressure ng 190/200 at halos mamatay na raw siya.  Kaya after mag-host ng The Voice Kids 2 nagsimula na siyang magbawas ng timbang, nag-diet siya pero hindi raw naman niyang dini-deprive ang sarili niya sa pagkain.

Ngayong muling nakabalik na si Sharon na 38th year na sa business ngayon, marami pa siyang gustong gawin. Into talent management na rin siya at siyempre ang una niyang talent ay si Frankie.  Gusto nga raw ng mga bata sa The Voice Kids ay kunin din niya pero sabi niya, hindi naman niya kayang mai-build-up lahat. Gusto rin niyang ibalik ang kanyang The Sharon Cuneta Show.  Gagawin na rin niya ang first indie film niya, ang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

“After manalo si Jaclyn Jose sa Cannes International Film Festival, mas lalo akong nagkagustong i-try naman ang ganitong project.  I hope that someday it’s me naman or someone I love sa industry ang makatanggap ng ganitong karangalan.”

Sa pagbabalik-pelikula niya sa Star Cinema, hindi raw si Direk Olive Lamasan ang magdidirek sa kanya, ibinigay daw siya kay Direk Cathy Garcia-Molina at biniro nga raw niya si Inang Olive na kaya ibinigay siya sa iba ay dahil pumunta ito ng Barcelona.

Sa leading man niya, willing daw siyang makatrabaho kahit ang ex’s niya na sina Gabby Concepcion at Richard Gomez o kahit ang mga kabataang artista ngayon.  As to recording, inaayos na rin daw ang first album na gagawin niya sa Star Records.

Nakita namin ang saya ni Sharon ngayong muli niyang gagawin ang dati na niyang ginagawa na mahal na mahal niya.

Paghuhubad ni Rocco sinusubaybayan ni Sanya

Marami nang nakaka-miss kina Rocco Nacino at Sanya Lopez bilang sina Aquil at Sang’gre Danaya.  Magkahiwalay kasi ang mga eksena nila sa epic serye na Encantadia dahil si Aquil ay kasama ni Reyna Amihan (Kylie Padilla) at si Danaya naman ay nasa mundo ng mga tao, pero ililipad na siya ni Lakan (Alden Richards) sa Encantadia, kasama ang tunay na anak ni Amihan, si Lira (Mikee Quintos) kaya malapit na muli silang magkita ni Aquil. 

Tweet ng isang netizen, nararamdaman daw nila ang pagiging sweet ng dalawa sa pagpapalitan nila ng tweets nila tulad noong punahin ni Sanya na nag-topless si Rocco sa isang performance nito sa katapos na Oh, Boy concert with Aljur Abrenica, Derrick Monasterio at Jake Vargas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with