^

Pang Movies

Beauty hindi pinagsisihan ang pagpapabuntis

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Back to work si Beauty Gonzales sa malapit nang ipalabas na pelikulang The Third Party, co-starring her with Zanjoe Marudo, Sam Milby at Angel Locsin.

While the film, directed by Jason Paul Lacsamana, is her first with Sam and Angel, nakatrabaho na ni Beauty si Zanjoe sa soap na Dream Dad.

Kasalukuyang ginagawa niya ang series na Ningning, kung saan gumanap siyang ina ng child actress na si Jana Agoncillo, nang malaman niyang buntis siya.

Bago pa mahalata na lumalaki na ang tiyan ni Beauty, “pinatay” na siya sa Ningning.

“I’ve been away from showbiz for more than a year,” ani Beauty. “Pero, not a second do I regret it. Although, nami-miss ko.

“Ang kaligayahang bigay sa akin ng aking anak (na pinangalanan niyang Olivia) ay walang kapantay,” ani Beauty.

Madalas mag-travel si Beauty kasama ang anak at boyfriend sa abroad.

The Third Party, na prinodyus ng Star Cinema ay mapapanood na in theaters nationwide starting sa October 12.

Angel tatlong taon natengga bago nagka-pelikula

Gaya ni beauty, matagal-tagal din nating hindi napanood si Angel sa TV o pelikula. Huli siyang napanood sa TV sa seryeng The Legal Wife, kung saan siya ang bida.

Ang kanya namang last movie na pinagsamahan nila ni Zanjoe (Marudo), Dingdong Dantes at Angelica Panganiban, ay One More Try tatlong taon na ang nakakalipas.

Kinailangan kasing mag-therapy ni Angel sa Singapore ng ilang beses para sa kanyang spinal injury.

Sabi ng isang malapit kay Angel: “The offer to do The Third Party just came in time.

“And it turned out to be an offer hard to refuse, since quite different nga naman ang theme ng istorya, although maituturing na very now.”

Sa pelikula, Angel as Andi and Sam as Max are college sweethearts na hindi nagtagal ang relasyon. Pareho na silang professionals nang mag-krus muli ang kanilang landas.

Between them, si Andi ang mas gusto na magkabalikan sila ni Max, pero malalaman niyang taken na pala ang kanyang ex.

And guess what, ang karelasyon nito ay lalaki rin, si Christian na gagampanan naman ni Zanjoe.

The Third Party is directed by Jason Paul Lacsamana and written by equally two young people, Patrick Valencia and Charlene Sawit-Esguerra.

Iza natameme sa Humayo

Grabe, as in grabe, Salve A., ang naging reaction ni Iza Calzado sa Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left), na kanyang napanood sa special screening ng pelikula sa Cinema 2 ng U.P. Town Center.

Brilliant ang pagkaka-describe niya sa movie, at ganun din sa performance ni Charo Santos-Concio, na siyang gumanap na bida. Ang kanyang wish sa kasalukuyan ay ang makasama sa project sina Direk Lav Diaz at Charo.

Ang kanyang pangarap na makatrabaho si Bea Alonzo, na present din sa Ang Babaeng Humayo screening, ay magkakatotoo na. Magkakasama sila sa soap titled The Second Wife, with Ian Veneracion.

Of Ang Babaeng Humayo, gumawa ito ng kasaysayan nang mapanalunan ang Golden Lion Award for Best Film sa katatapos lang na Venice International Film Festival.

Ang naturang award ang pinaka-prestihiyoso sa lahat ng international film festival na yearly ay ibinibigay ng 73 year-old award-giving body.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with