^

Pang Movies

Kahit nagpapa-seksi, Angel malayo sa mga aktres na bastusin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bago pa man iyong press conference ng pelikula niyang The Third Party ay nakasalubong na namin si Angel Locsin sa elevator pa lang ng ABS-CBN. Wala pang make up si Angel at mukhang pagod dahil galing daw siya sa shooting ng nasabing pelikula. Hindi pa pala tapos iyon.

Hindi maikakaila na isa siya sa pinaka-sexy, isipin ninyo ilang taon nga bang naitala na siya ang “sexiest”. Pero siya ‘yung tipong sexy na hindi bastusin. May mga babae kasing sexy na bastusin ang hitsura eh. Si Angel kahit na nagpapa-sexy ay wholesome pa rin ang dating.

Sa kanyang mga pelikula, ilang beses na nga bang gumawa ng love scene si Angel? Ang natatandaan naming medyo matindi ay ang naging love scene nila ni Aga Muhlach sa kanilang pelikula.

Kung ibang artista ang gumawa ng eksenang iyon, aba eh kung anu-anong usapan na siguro ang lumabas. Pero kung wholesome talaga ang artista, ano man ang gawin niyang role ay okay pa rin.

Kagaya ngayon, ang role niya sa The Third Party ay isang babaeng mayroong boyfriend, nahiwalay nang mag-abroad at nang magbalik, may kasamang boyfriend. Rom-com pa rin ang dating ng pelikula, pero naiiba nga ang tema. Lumalabas sa ending na si Angel nga ang “third party” dahil ang magkarelasyon na ay sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Apat na oras na pelikula ‘di kayang tagalan ng mga Pinoy

Natawa kami sa comment ng isang indie director. Sabi niya, mukhang hindi pa raw nakahanda ang mga Pilipino na manood ng isang pelikulang apat na oras, hindi halos kumikilos ang camera na nakababad lamang sa mga medium shot, halos walang musika at kung anu-ano pang sinabi niya.

Sinabi niyang siguro nga iyan ang naiibang klase ng pelikula na magugustuhan ng mga kritiko, pero hindi ng manonood ng pelikula.

Dudugtungan namin iyan. Hindi lang masasabing hindi pa handa ang Filipino audience sa mga ganyang klase ng panoorin. Hindi handa ang moviegoers sa buong mundo sa ganyang klase ng pelikula. Ilan nga bang mahahabang pelikula ang pinanood ng mga tao? Natatandaan namin naging malaking hit iyong Giant, dahil sinasabi nga nilang iyon ang panahon ng kasagsagan ng kasikatan ni James Dean. Kumita rin ang Ten Commandments, dahil hinangaan noon ang glass shot ng pagkahati ng dagat sa pelikula. Pero maliban doon, ewan nga ba kung may long film na naging hit talaga.

Wala kaming kinakalaban, sinasabi lang namin iyong katotohanan at iyong natutunan namin sa mahabang panahon sa industriyang ito. Kung gusto ninyong bumangon ang industriya, gumawa kayo ng pelikulang magugustuhan ng mga tao at kikita. Iyon lang naman ang sinasabi namin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with