^

Pang Movies

Gladys ayaw na sanang magbuntis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Walang problema kay Gladys Reyes ang pagti-taping ng latest afternoon prime drama niyang Oh, My Mama! kahit preggy na siya for their fourth child ng asawang si Christopher Roxas. Hindi raw niya in-expect na magkakaroon pa sila ng fourth child dahil para sa kanya ay tama na ang tatlong anak na sina Christophe, Aquisha, at Grant. 

Pero masaya raw ang husband niya kaya okey lang sa kanya. Blessing daw ang bago nilang magiging baby na made in USA daw.

Hindi naman siya mahirap mag­buntis at kahit kasisimula pa la­mang nila ng bagong soap, kayang-kaya raw niya iyon dahil noong ipinagbu­buntis niya si Grant ay mayroon din siyang soap na ginagawa. “Mas madali ang work ko ngayon dahil hindi ako nai-stress,” natatawang wika ni Gladys. 

“Mabait kasi ang role ko kaya hindi ko kaila­ngang magalit sa mga eksena kaya good vibes lamang sa mga bagets na kasama ko, like sina Inah (de Belen) at ang mga leading men niya, sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.”

Napapanood ang Oh My Mama! Daily pagkatapos ng Eat Bulaga.

Alden may lihim na gagawin sa London

Paalis ngayong Thursday si Alden Richards for a GMA Pinoy TV show titled At Last In London na produced ng Prismworks Production na gaganapin sa Troxy Theater sa Sunday, October 2, 3:00 – 5:00 p.m. Kasama sa VIP ticket ang meet and greet ni Alden with his fans na balitang manggagaling pa ang iba sa ibang lugar sa Europe, like ang isa naming friend from Germany na bago umuwi for a short vacation dito ay bumili na ng ticket bago pa raw siya maubusan.

Mukhang makakapahinga naman si Alden sa mga sunud-sunod niyang commitments bago siya umalis. Like noong Tuesday evening sa kanyang meet and greet cum launch as the first celebrity endorser ng Yale lock, pinasaya niya ang fans na um-attend sa EDSA Shangri-La Plaza sa question and answer nila ng host na si Christine Bersola. Sa tanong kung ano ang sexy part ng body ng girl na gusto niya, back daw at spine dahil iyon ang unang nahahawakan niya when he hugs a girl. Eh ano namang part ng kanyang body ang ipinagmamalaki niya, “My biceps po, pinaghandaan ko po talaga iyon,” sagot nito. 

Ilang days din mag-i-stay si Alden sa London at may oras daw siyang malibot ang ilang lugar doon. First time niya kasi at gusto niyang lubusin ang ilang araw na bakasyon na ibinigay sa kanya ng GMA at Eat Bulaga. Curious lamang kami sa post ni Tintin sa IG na bonding nila ni Alden backstage: “so much chika that I will treasure, and keep in confidence. Enjoy London ha? Naexcite ako dun sa...secret for now. Basta enjoy London!” Ano kaya ang secret?

Pagbalik ni Alden, aasikasuhin na niya ang release ng new album niya sa GMA Records, ang Say It Again at launch ng Mega Magazine nila ni Maine Mendoza na kinunan sa Morocco, South Africa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with