^

Pang Movies

Assunta hirap pa ring mabuntis!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Magiging apat na ang anak ni Gladys Reyes at ng kanyang asawang si Christopher Roxas. Gusto naman talaga ni Christopher na madagdagan na ang kanilang anak. At hindi naman nila problema iyon dahil maayos ang takbo ng kanilang kabuhayan. Problema lang ang maraming anak kung hindi kayang buhayin ng mga magulang.

Iba naman ang sitwasyon ni Assunta de Rossi. Labing apat na taon na silang mag-asawa ng da­ting congressman na si Jules Ledesma, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Gusto na rin naman ni Assunta na magkaroon sila ng baby, pero mukhang wala pa silang suwerte. Kaya naman nilang magpalaki ng anak, pero hindi pa nga dumarating sa kanila.

Ang pagkakaroon ng anak ay talagang suwerte-suwerte lang na masasabi. Maraming medyo hirap na pero nagkakaroon pa rin ng mga anak. Mayroon namang gustong magka­anak pero hindi pa nagkakaroon.

Natatandaan namin si Congresswoman Vilma Santos, noong dumating ang panahon na gusto na niyang magkaroon ulit ng anak ay kinailangan niyang tumigil sa trabaho. Talagang iniwan niya ang kanyang TV show at ang kabuuan ng kanyang career. Iniwan niya ang milyun-milyong piso na maaari niyang kitain, gusto niyang magkaroon ng anak eh. Suwerte naman at nagbuntis siya ulit at ngayon nga malaki na rin si Ryan.

Si Nora Aunor, isa lang ang naging anak, kaya nag-ampon na lang nang nag-ampon.

Iba’t iba ang pananaw ng mga tao sa pagkakaroon ng anak. Kung pakikinggan natin ang side ng gobyerno, sinasabing over populated na ang Pilipinas, kaya kahit na saang center, walang maibigay sa iyo kahit na gamot sa sakit ng ulo, pero condom at pills ay mayroon. Pero marami pa rin ang hindi naniniwala riyan at gusto pa rin nilang magkaroon ng anak.

Bayaning ginampanan ni Aljur kapos sa kontrobersiya

Hindi yata naging maganda ang resulta ng pelikulang indie ni Aljur Abrenica na Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli. Sabi nga ng isang kritiko, isang screening lang nagkaroon sa isang sinehan at wala pa halos nanood. Palagay namin, makakabawi lang iyan kung gagawa sila ng mga special screening sa mga eskuwelahan. Kung sa commercial theaters, mahihirapan talaga iyan.

Sinasabi nila na nakakuha raw kasi sila ng ideya noong maging hit ang pelikula tungkol kay Heneral Luna. Una, mas kilalang personalidad sa history si Heneral Luna, kaysa kay Puli. May controversy sa pagkamatay ni Antonio Luna. Hindi kasi siya basta pinatay. Pinatay siya ng kapwa Pilipino at pulitika ang dahilan. Kung napatay siguro siya ng mga Kano, ibang usapan iyon.

Mayroon pang mga nabubuong tsismis tungkol sa lovelife ni Antonio Luna, at inisip ng mga tao na kahit na pahapyaw makikita nila iyon sa pelikula, pero hindi rin. Pero napakaganda ng pagkakagawa ng pelikula at competent ang mga artista. Dito sa pelikula ni Aljur, marami pa rin yata ang hindi nakagusto ng kanyang arte.

Aktres hindi matanggap na papalaos na!

Awang-awa kami sa isang female star. Talagang na­ki­kita namin ang kanyang pagpipilit at pagsisikap na makabalik sa dati niyang popularidad. Pero mukha talagang hindi na puwede. Mukhang talagang natapos na ang panahon ng kanyang pamamayani sa takilya, sa telebisyon, at recording. Wala na talaga eh kahit na ano’ng pilit.

Minsan, iyan ang masakit eh. Masakit tanggapin ng mga artista na lumipas na ang kanilang panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with