^

Pang Movies

Pag hindi agad nabigyan ng apo ni KC, Sharon gusto pang magpabuntis!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Balik-alindog ngayon si Sharon Cuneta kahit na nga kailangan pa niyang magbawas ng ilan pang pounds. Ganado rin kasi siya sa pagsigla ng kanyang TV career matapos pabalikin ng kanyang network.

After ng Voice Kids 2 bilang judge, puspusan na ang pagbabawas ng timbang ng megastar. May epekto rin kasi sa kalusugan niya ang mataas niyang timbang at matapos makita ang resulta, heto’t balik-concert scene niya sa October 15 and 22 sa Sharon At The Theater sa Solaire Resorts & Casino.

Huling nag-concert si Sharon sa Araneta noong 2012 kasama si Martin Nievera. That time, lumipat na siya sa TV5. “That was a painful experience! Very painful. I have to admit, it has taken me a while to accept and recover from that. A lot of people didn’t know there was a concert. And I believe because the years before that, I have done solo Valentine concert in the same venue all very successfully and all of a sudden, I have a concert with the Concert King and a lot of people didn’t know. Very few people come and we’re both wondering what happened?

“Of course, I lost the support of my big mo­ther station. That’s much much huger place. But whether or not you perform before 20 people, that something! It’s the same stress level. Venue lang ‘yan.

“When I realized, so it can’t have been me. So ngayon malakas na ang loob ko!” paliwanag ni Sharon sa media presscon niya.

Special guest ni Sharon ang panganay na anak kay Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie at ang kinoach na 24 kids sa The Voice Kids 2. Just recently, kinanta ni Frankie sa Eat Bulaga ang unang hit single na Mr. DJ. “I was very proud of her. And she can carry herself, the way you see her, she’s very magalang!” pagmamalaki ni Shawie.

Eh, si KC Concepcion, bakit hindi guest sa concert niya? “Hindi naman puwedeng lahat ubusin! Si Miguel nga, nagpiprisinta!

“But siyempre dahan-dahan lang. Diyos ko, minsan lang akong kunin ng Solaire. Ginawa ko naman Von Trapp (family of Sound of Music). Huwag namang, ‘Anak para kumita ang show, lumabas naman kayo! Ha! Ha! Ha!” tugon ng megastar.

Mag-aasawa na ba si KC o hiwalay na? “Masaya naman yata,” sagot ni Shawie.

“Napakaligaya ng tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung dahil sa boyfriend niya ‘yon. Pero whether kasama niya o kasama namin si Aly (Borromeo), whether kasama namin siya o hindi, napakasaya naman ng anak ko.

“So parang good influence siya kay KC. Sa pag-aasawa, ako nga, gusto ko nang mag-asawa! Tapos, naalala ko na may asawa na pala ako! Ha! Ha! Ha! Alam mo na, ang anesthesia, nakakalimot.

“Tapos, actually ako, naghihintay lang ako. Ayo­ko namang ma-pressure sila pero sana magka-apo na ako. Gusto kong mag-attend ng magandang kasal. Kung ayaw niya, iba na lang. Sa ibang kasal na lang ako pupunta! Sino ba ang gusto sa inyo ikasal? Invite ninyo ako.

“Gusto ko ng apo! Sabi ko kay Kiko, ayoko talagang mag-pressure kay Kayce. Sabi ko sa kanya, ‘Anak walang pressure but in certain fears ‘pag wala ka pang anak, magpapabuntis ako!’ Ha! ha! Ha! Mapapahiya ka. Kahiya-hiya na mabubuntis ang nanay mo na, in nine years, sixty na ‘di ba?

“Ay puwede pa! Nandoon pa lang ako sa, ‘You’re so hot!’ Wala pa ako sa hot…flashes! Nasa hot pa lang ako! At least, keri pa! Kaya minamadali ko siya baka abutan ako ni flashes! Ha! ha! ha!” katwiran ni Shawie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with