^

Pang Movies

Joseph namomroblema sa buhok!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Itinanggi ni Joseph Marco ang tsikang nagpa-nose job siya at aniya, paano raw mangyayari ‘yun eh wala nga siyang kaoras-oras.

Marami kasi ang nakapansin na parang may naiba sa mukha ng aktor at mas tumangos ang ilong niya ngayon at kapansin-pansin din ito sa pelikulang My Rebound Girl na pinagbibidahan nila ni Alex Gonzaga.

Kaya naman sa dinner with the cast after ng red carpet premiere night ng My Rebound Girl last Tuesday na ginanap sa Megamall ay isa ito sa naitanong kay Joseph. “Wow, hindi ah. Walang time,” mabilis na sagot ni Joseph na sinegundahan naman ni Alex.

Sey pa ni Joseph, “Sobrang dire-diretso ako sa Pasion de Amor at ang daming nagsasabi na pumayat daw talaga ako. Siguro dahil pumayat ako kaya ganun.

“As in from Pasion (de Amor), grabe ang payat ko talaga. ‘Yung iba nga ang sinasabi ang pangit nga raw, eh. Pero sinabi ko, mas okey sa screen.

“In person, medyo malnourish but technically, mas okey siya sa screen. Pero ang problema ko talaga ay ‘yung dito,” sabay turo niya sa eyebags under his eyes.

Ano ang reaksyon niya ‘pag sinasabi ng iba na nagpa-nose job siya?

“Natatawa lang ako. Ewan ko kung saan nila nakuha. Sinabi pa nga nila na nagpa-panga (nagpadagdag ng panga) pa ako, eh, may nabasa din akong ganu’n, parang lumabas daw ‘yung panga ko. Pero walang mga ganu’n, pumayat lang talaga ako kaya lumiit ang ilong ko at lumabas ang panga ko,” paliwanag ni Joseph.

Actually, hindi raw ang ilong o panga ang pino-problema niya kundi ang kanyang buhok na kulot. “Hindi talaga siya naaayos, eh. Ganito na talaga ‘yung buhok ko, kinky siya. Hindi talaga siya nagagalaw. Problem ko talaga itong hair ko ever since,” sey pa niya.

Toni muntik manganak sa premiere ng pelikula ni Alex!

Sa premiere night pa rin ng My Rebound Girl, kahit kabuwanan na ay dumalo si Toni Gonzaga at asawang si direk Paul Soriano para suportahan of course si Alex.

Kung nagkataon, baka napaanak pa sa premiere night si Toni dahil kwento ng ina niyang si Mommy Pinty, nagkaroon na ng spotting that night ang panganay na anak. “Actually, kanina, nun’g nandun kami sa EDSA Shangri-La Hotel para pumunta rito, nag-make-up-an sila do’n, si Toni, nasa CR sumigaw, ‘Mommy!’,” kwento ni Mommy Pinty nang makausap namin sa dinner.

Nang i-check niya ang anak ay nakita niyang may spotting (light bleeding) na ito na kadalasang nangyayari during pregnancy at kapag manganganak na.

Nag-panic na raw siya at sinabihan si Toni na huwag nang tumuloy sa premiere night at baka manganganak na ito. “Tinawagan si dok, sabi niya, “hangga’t hindi naman ikaw nagko-contraction, okay, pwede ka mag-attend, pero observe mo ‘yan, ‘pag nagsunod-sunod na (spotting), pumunta ka na sa hospital bukas”.

Ang sabi raw ng doktor ay baka manganak na si Toni ngayong Biyernes. Siyempre pa, excited na ang lola. Unang apo nga naman ito, no! Feeling nga raw niya ay magiging spoiler siya sa kanyang first grandson.

Alex inilihim kay Mommy Pinty ang bed scene kay Joseph!

Samantala, nahingan din namin ng reaksyon si Mommy Pinty sa eksena sa My Rebound Girl kung saan ay magkatabi sa kama sina Alex at leading man na si Joseph Marco. Biniro namin ang conservative na ina na may bed scene ang anak niya. “Ay, tumabi lang naman (si Joseph kay Alex sa kama),” natatawang depensa ni Mommy Pinty.

May eksena ring hinalik-halikan ni Joseph si Alex sa pisngi nang sunod-sunod. Say naman ni Mommy Pinty tungkol dito, “at least, hindi sa lips”.

Ipinagpaalam naman daw sa kanya ‘yung eksenang ‘yun pero ang scene sa kama ay hindi raw.

“Eh 28 na rin naman siya, okay lang ‘yun,” sey pa ni Mommy Pinty.

Anyway, bukod sa pamilya ni Alex, dumalo rin sa premiere night ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño, Loiza Andallo, Jason Dy, bunsong anak ni Kris Aquino na si James “Bimby” Yap, IC Mendoza at ang iba pang cast ng pelikula tulad nina Anna Vicente at Nico Nicolas.

Of course, naroroon din ang direktor na si Emman dela Cruz at ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Nagsimula na ang showing ng My Rebound Girl kahapon, Sept. 28.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with