^

Pang Movies

Bangkang sinakyan ni Hesus nahukay sa Ginosar!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa huling bahagi ng fifth anniversary special ng I Juander ngayong Miyerkules (September 28), ipagpapatuloy nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang kanilang tour sa Israel.

Makikipag-bonding ang I Juander hosts sa mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa Lupang Pangako, tulad na lamang ng 16 taong gulang na si Howie Danao na gumagawa ngayon ng pangalan sa larangan ng musika.

Tutuklasin din ng I Juander ang iba pang yaman ng kasaysayan ng Israel. Nariyan ang bayan ng Ginosar kung saan nahukay ang isang bangka na mahigit 2,000 taon na ang tanda. Posible nga kaya na ang sumakay dito mismo si Hesus?

Papasyalan din nina Susan at Cesar ang bayan ng Magdala kung saan isinilang at lumaki ang isa sa kilalang karakter sa Bibliya—si Maria Magdalena.  Dito rin daw matatagpuan ang labi ng pinaka matandang synagogue sa buong Galilee. Totoo kayang dito mismo nangaral noon si Hesus?

At siyempre, kapag nasa ibang bansa, hindi mawawala ang food trip at shopping. Ano-ano kayang mga pagkain ang pumatok sa panlasa nina Susan at Cesar? At ano nga ba ang paboritong ipampasalubong ng mga nanggagaling sa Israel?

Tumutok na sa huling hirit ng Israel, Ang Biyahe Sa Lupang Pangako ng I Juander ngayong Miyerkules, 8 p.m. sa GMA News TV.   

Glaiza nag-Pirena hanggang London

 Napa-wow kami sa kakaibang trip ng Encantadia star na si Glaiza de Castro. Kakabalik lang kasi niya mula sa kanyang bakasyon sa London kasama ang kanyang kapatid at mga kaibigan. Isang video ang kanyang inupload sa Instagram kung saan mapapanood ang character niyang si Pirena habang siya ay nasa sikat na Trafalgar Square. Kahit nasa ibang bansa si Glaiza ay talagang dala-dala pa rin niya ang karakter ni Pirena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with