^

Pang Movies

Ibang artista ng GMA nagbunyi sa ‘naudlot’ na paglipat ni Kris

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala nang ingay kung matutuloy pa sa pagiging Kapuso star si Kris Aquino. Wala naman kasing offer kung kukunin ba talaga siya ng GMA-7 o hindi. Nag-press release na si Kris ng pamamaalam sa ABS-CBN kaya inasahan nang mapapanood siya sa GMA. Nakatulong naman ito sa kanya dahil kahit papaano ay napag-uusapan pa rin si Tetay kahit tsugi na rin ang show niyang KrisTV. Pero siguradong hindi na maibabalik ng ABS-CBN ang dati niyang show dahil mas mataas ang rating nang pumalit na show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros na Magandang Buhay.

At dahil nga walang kasiguruhan, tiyak na magsasaya ang mga nai-insecure na mga artista ng Kapuso sa napabalitang paglipat ni Kris. Tanong lang, totoo bang may nai-insecure sa kanya? Sinu-sino naman kaya sa Kapuso talents ang mga ito? Besides, magiging problema rin daw ‘pag napunta sa Siyete si Kris dahil hindi alam kung saang timeslot siya ipapasok at ano’ng klase ng palabas ang babagayan niya.

Miggs marunong tumanaw ng utang na loob

Humanga kami sa parents ni Miggs Cuaderno at kapatid niyang si Julia Chua dahil kahit malayo ang Jaen, Nueva Ecija ay nakiramay silang mag-anak noong Sept. 25 sa mga naiwan ng yumaong si Mayor Santy Austria. Nabatid naming twice palang na-invite si Miggs sa Jaen ng yumaong mayor at binigyan pa ng bisikleta.

Magandang halimbawa ang ipinakita ni Miggs at ng kanyang pamilya dahil mayroon din palang taga-showbiz na marunong tumanaw ng utang na loob. Ang ibang artista kasi, pagkatapos makaraket ay animo’y nagka-amnesia na sa mga biyayang naitulong sa kanila.

May bagong TV show si Miggs bilang sidekick ni Derrick Monasterio na Tsuper Hero kasama si Bea Binene.

May movie rin si Miggs titled Teryang Ermitanya kung saan leading lady si Kate Brios, kasama rin dito sina Dennis Padilla, Leo Martinez sa ilalim ng direksyon ni Roland Sanchez.                                                                                   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with