^

Pang Movies

Alden babalikan ang kolehiyo!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bokya ang bashers ni Alden Richards na nag­sasa­bing iiwanan na niya ang GMA Network at lilipat na ng ibang management company. Muling pumirma ng exclusive contract si Alden sa Kapuso Network kahapon ng umaga, September 27, sa harap ng mga executives ng GMA, sa pangunguna ni Atty. Felipe L. Gozon, Chairman at CEO; Mr. Gilberto Duavit, Chief Operating Officer; Mr. Felipe S. Yalung, Chief Financial Officer, and Executive Vice President; Ms. Lilibeth G. Rasonable, Senior Vice President for Entertainment; Ms. Gigi Santiago-Lara, Senior AVP for Alternative Production.

Puring-puri ni Atty. Gozon si Alden na isang homegrown talent ng network na nagsimula sa ka­nila six years ago. “Kung ano siya noon, ganun pa rin siya hanggang ngayon. Hindi siya nagbabago,” ,” sabi ni Atty. Gozon.

“Nagpapasalamat po ako to still be part of GMA for years to come,” sabi naman ni Alden, pagkatapos ng contract signing.

May guest role ngayon si Alden sa epic serye na Encantadia but very soon, magsisimula na silang mag-ta­ping ng first teleserye nila ni Maine Mendoza sa GMA-7.

Naging very busy ang Tuesday ni Alden dahil bago ang kanyang renewal of contract sa GMA Network, nag-enroll na siya para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa college. Mukhang desidido na talaga si Tisoy sa promise niyang tatapusin ang stu­dies na hindi niya nagawa after high school, napilitan si­yang i-give up ang college at pasukin ang showbiz para makatulong sa kanyang family. Tinupad din niya ang wish ng kanyang yumaong ina, si Mommy Rio na maging artista siya.

Paghahanda na rin ito ni Alden sa future niya at ng magi­ging sarili niyang family. For sure tungkol sa business at ma­nagement ang kukunin niya dahil mayroon na nga siyang sariling restaurant at may business pa yata siyang gustong pasukin.

After naman ng Eat Bulaga kahapon, magkasama sila ni Maine Mendoza na dumalaw sa isang batang may sakit na ang request ay makita sila nang personal. Kinagabihan, may event naman si Alden para sa ini-endorse niyang Yale lock.

Marian walang pinipiling lugar para pasusuhin si Baby Z!

Hindi pala naging problema kay Marian Ri­vera-Dantes ang pagbi-breastfeed sa 10-month-old baby nila ni Dingdong Dantes na si Letizia kahit may show sila sa California last September 23 & 24. Ready si Marian kung gutom na ang anak, kahit pa naglalakad sila ni Dingdong o namamasyal sila sa ilang araw na bakasyon.

Madali daw lamang iyon, may paraan lagi, sabi ni Marian. Kaya kung nakikita siyang karga niya si Baby Zia na may takip, ibig sabihin bini-breast feed niya ang anak.

Next week pa nakatakdang bumalik sa bansa ang mag-anak. Balik-taping si Dingdong sa kanyang Alyas Robin Hood na nasa Astig segment ng telebabad ng GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with