^

Pang Movies

Alden maraming pang significant others, ‘di pa handa sa relasyon nila ni Maine

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Siguro nga ay masasabing kakatuwa, dahil habang ang mga tao ay baliw na baliw sa tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza at wala na yatang ibang pinangarap kundi magkatuluyan ang dalawa, mukhang hindi ganoon ang kauuwian ng tambalan.

Umamin na si Alden sa isang statement niya na wala pa nga siyang girlfriend. Sinabi niyang hindi iyon ang kanyang priority sa ngayon. Kasi nga marami pa siyang plano sa kanyang pamilya. Ipinaliwanag pa niyang kung ang iniisip ng mga tao na ang “love life” ay ang pagkakaroon ng “significant other”, hindi nga ganoon ang nasa isip niya ngayon dahil sinasabi niyang marami pa siyang “others”. Meaning hindi naman siguro ibang tao kundi ang kanyang pamilya.

Kung iisipin, bakit nga ba naman pipiliting magkaroon sila ng totoong relasyon ni Maine kung talagang wala pa naman? Nagugustuhan ng mga tao ang kanilang love team, pero hindi naman siguro nangangahulugan iyon na kailangang maging totohanan na ang lahat. Siguro ganoon nga ang hinahangad ng kanilang fans, kagaya ng pag-amin nina James Reid at Nadine Lustre. Kagaya rin ng paiwas na pag-amin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng kanilang relasyon.

Eh sa kaso nina Alden at Maine ay talagang wala pa naman eh.

Siguro nga marami pa naman silang magagawa sa kanilang buhay at hindi pa iyon ang dapat nilang  prio­rity.

Una, bata pa naman sila. Pareho naman silang marami pang ambisyon sa buhay at kung minsan, ang pagkakaroon ng isang steady relationship ay nagiging balakid sa mga pangarap ng isang tao. Kung magtutuluy-tuloy pa ang kanilang love team at dumating ang tamang panahon na maisip nilang magkaroon ng relasyon, ano ang masama roon? Pero sa ngayon ‘wag muna silang pilitin.

GMA hindi interesado kay Kris?!

Hindi ba ninyo napansin, mukhang hindi naman ganoon ka-excited ang GMA-7 sa sinasabing paglipat sa kanila ni Kris Aquino. Ni walang naririnig mula sa network. Siguro ang isang dahilan, ang talaga namang ka-deal lamang ng ex-presidential sister ay ang APT Management. Ibig sabihin, ang kausap niya ay ang grupo ni Tony Tuviera na blocktimer lang naman sa network.

Ibig sabihin, makagagawa sila ng shows at kung inaakala ng network na magiging advantage iyon para sa kanila ay maaari nilang bigyan ng air time, pero wala silang participation. Hindi naman kasi nababanggit na iyon ay magiging joint venture ng GMA-7 at ng APT kung sakali.

Ang dami na rin naman nating narinig na mga espekulasyon sa mga proyektong papasukan ni Kris, pero puro espekulasyon lang iyon. Ang GMA-7 mismo, walang sinasabi at mukhang hindi naman sila excited.

Lagot…

Sabrina M ikinanta na ang ibang artistang sinusuplayan niya ng droga!

Timbog na ang dating sexy star si Sabrina M., na nakunan pa ng video na gumagamit ng shabu. Sinasabi pa ng ilang informed source na may “ikinanta” pa raw siyang ibang mga artistang “kumukuha” ng droga sa kanya. Nakakulong pa si Sabrina M. dahil doon daw sa level na iyon ay wala na talagang piyansang maibibigay ang korte para sa pansamantala niyang paglaya.

Una pa lang iyan sa mga artistang sinasabi nang mato-tokhang. Pero may nagsasabi nga, “maliit” naman ang nahuli nilang iyan. Mas maganda kung ang mahuhuli nila ay ang mas malalaking stars, at ang mga sikat ngayon na tumitira rin ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with