^

Pang Movies

Alden hindi naniniwala sa death threats!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Sanay na si Alden Richards sa death threats.

Noon pa raw kasi ay nakakatanggap na siya ng mga pagbabanta sa buhay. Hindi pa man nagpo-post ang kanyang ama, days ago para humingi ng tulong dahil sa death threats ay marami na siyang natatanggap na ganito.

At hindi naman daw siya nagpapabaya. Nanghingi na siya ng tulong sa GMA at sa NBI nga.

“Kasi ang akin lang naman po, if you’re threatening someone, there’s a 90 percent probability na hindi mo siya gagawin because you are threatening.

“Yung mga nagti-threat, hindi nagsasabi ‘yan. Ginagawa na lang nila. There are a  lot of people like that, especially in social media.

“Napakadaling gumawa ng statements and threats like that. Pero so far naman po, we’ve been very careful with that and, kumbaga, we just take extra caution kapag nasa labas. ‘Yung mga threats like that are being done by people na sigu­ro walang magawa,” pahayag ni Alden kahapon matapos pumirma ng panibagong kontrata sa GMA 7.

Yup, nananatiling Kapuso si Pambansang Bae  after niya mu­ling pumirma ng kontrata sa GMA Network.

Kasabay ng bagong kontrata ni Alden ang bagong album niya bilang follow up sa kanyang 8x platinum na Wish I May. “Single pa lang po siya na nilabas na namin sa iTunes and Google Play Store pero yung mismong album will be released this October 10. I consider this as one of my gifts sa aking fans for their continuous support since day one,” sabi ng aktor.

Rebound at Humayo huhusgahan!

Sabay na magbubukas sa mga sinehan ngayong araw ang dalawang local films – Ang Babaeng Humayo at My Rebound Girl.

Magkaibang-magkaiba ang genre ng pelikula. Serious ang Humayo... na tungkol sa isang babaeng nakulong sa hindi ginawang kasalan. Nang makalaya, naisip niyang maghiganti pero may pipigil sa kanya.

Ang Humayo... siyempre ay nanalo ng Golden Lion sa Ve­nice Film Festival starring Charo Santos and John Lloyd Cruz directed by Lav Diaz na halos apat na oras ang running time. Comeback movie rin ito ni Ms. Charo.

Ang My Rebound Girl ay isang super kilig movie na naka­sentro ang kuwento sa isang babae na inihalintulad ang pagma­mahal sa lasa ng kape.

Maganda ang konsepto at lu­tang ang acting nina Alex Gonzaga at Joseph Marco.

Directed by Emmanuel dela Cruz for Regal Films.

Nag-shooting ang grupo sa isang coffee plantation sa Benquet kaya makikita ang nasabing magandang lugar.

Kaya malabong mag-agawan ng audience ang dalawang pelikula. Tiyak may kanya-kanya silang target audience.

Sana nga parehong tangkilikin ang dalawang pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with