^

Pang Movies

AiAi walang kapaguran sa paggiling kahit sa abroad!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Preparado talaga si AiAi delas Alas kapag nagku-concert, dito man o sa abroad, for a cause man ito o para sa ekonomiya!

Mula buhok, damit, performance, at pagbitaw ng spiels, more than 100% talaga ang ibinibigay ni AiAi gaya ng concert niya last Sunday sa Seoul, South Korea.

Kaya naman paglabas pa lang ni Ai ng stage sa concert niya, sigawan at palak­pan agad ang sumalubong sa kanya mula sa manonood. Talbog niya ang ilang mas bata sa kanyang artista na walang kapa­guran sa paghataw, paggiling, at pagkembot habang kumanta na ala-Beyoncé at J-Lo, huh!

Nang magkaroon ng audience participation, game na game sumakay sa pinagawa niya ang dalawang babae at da­la­wang lalaki na inilalabas ang dila sa linyang, “I love you!”

Maging ang pari na nag-imbita sa kanya ay tawa nang tawa kahit nahahaluan ng green jokes ang spiels niya. Ang present namang Korean officials ay namang­ha sa malakas na tawanan ng tao kay AiAi.

Bentang-benta naman sa honorable ambassador to South Korea na si Raul Hernandez ang pagpapakuwela ng Co­medy Queen kahit nagbiru-biro siya!

Nang um-exit sa stage si Ai, pumasok naman ang anak niyang si Sancho Vito. Pinahanga niya ang audience sa pagsasayaw niya at inamin na, “Oo, Mama ko po siya!”

Change costume si AiAi sa second part ng performance niya. Again, todo-bigay pa rin siya sa mga numbers niya.

Isa rin sa special guests ang RnB Prince na si Kris Lawrence. Pinagkaguluhan ng mga babae si Kris na feel na feel ang pagkanta sa version niyang When I Was Your Man at ang hit single niyang Kung Malaya Lang Ako.

Sa presence ni Kris, biniro namin siya na panay ang sunod sa kanya ng pangalang Kris, huh! “Siya na ngayon ang aking friendship! Ha! Ha! Ha” sey ni Ai na may video na pagpapakuwela sa pangalang Kris.

Sa ending, sama-sama sina AiAi, Sancho, at Kris sa pagkanta ng Awitin Mo Isasayaw Ko na sinaba­yan ng pagsayaw ng crowd.

From SK, sa Singapore ang next stop ni AiAi and by October ay sa Amerika naman. Pupunta rin siya sa Japan kasama ang original mainstays ng Sunday PinaSaya bilang bonus sa kanila ni Mr. Tony Tuviera.

Thanks din kay AiAi for making our birthday memorable last September 25, pati na rin belated birthday ni Dondon Sermino, kahit pagod na pagod na siya that Sunday.

Nakapagbigay man ng mga ngiti si AiAi sa ating kababayan sa Seoul, hindi na niya nagawang makapagpa-picture sa standee ng male lead ng Descendants of the Sun na si Soong Jong Ki na nagkalat sa Doota Duty Free Mall.

Foreigner na manliligaw ng female celeb inahas ng kabarkadang aktres!

Lalaki pala ang dahilan ng lamat sa friendship ng isang kilalang female celeb at isang aktres.

Ang tsika sa amin, may nanligaw na foreigner sa female celeb. Solved na sana si female celeb na maging partner ang foreigner.

Komo magkasama sa isang grupo sina female celeb at aktres, nakilala rin ng huli ang fo­reigner. Biglang 360 degrees turn ang foreigner na naakit ng aktres. Nabutata si female celeb nang ang singer ang piliin ng aktres na maging girlfriend.

Kaya ngayon, wala na ang dalawang dating magkabarkada dahil sa lalaki, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with