^

Pang Movies

Heart sa hatinggabi lang naso-solo si Sen. Chiz!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa contract signing ni Heart Evangelista-Escudero sa Viva Artists Agency last Monday ay natanong ang aktres kung ilang oras ang naibibigay niya sa kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero sa rami ng kanyang pinagkaaabalahan. “The whole night,” natatawang sagot ni Heart.

Siyempre, ang buong gabi niya ay sa mister na niya, sa bedroom. “Mga midnight up,” natatawa pa rin niyang sabi.

Hindi lang naman daw siya ang busy kundi maging ang asawa. “Four am, gi­sing na ‘yan (Chiz), tapos babalik na ‘yan, mga 8 p.m. ‘Pag dadating pa siya, may meeting pa ‘yun, ang mga ka-dinner niya, mga friends, family na rin ‘yung mga friends niya, du’n sila. May meeting pa sa bahay,” kuwento ni Heart.

Pero very modern naman daw ang set-up nilang mag-asawa kaya naiintindihan nila ang isa’t isa, lalo na nga si Chiz dahil mas matanda ito sa kanya.

Pati nga raw disagreement nila ay very minimal. “Hindi siya kasi ma-issue, eh. Kung meron kaming discussion, mahaba lang ‘yung explanation niya. But he never raises his voice, I think, he’s very mature kasi, so it’s a waste of time to fight.”

Napag-usapan din ang kanilang set-up when it comes to money matters at say ni Heart, dahil nga may pre-nuptial agreement sila, wala silang pakialaman sa pera. “Pero ‘pag nakikita niyang ume-exag (exaggerate) ako sa gastos ko, sasabihin niya, “uy, darling, magkano na na-save mo, hindi mo nakukuha ‘yung limit”, kasi mayroon akong (target) na for this year, I have to earn this much.”

Kaya ‘pag medyo umo-OA siya sa gastos ay nire-remind siya ng mister pero alam naman daw niyang for her own good ‘yun.

Ang isang bagay daw kasi na ayaw na ayaw niyang pinagtatalunan at pinag-aawayan ay ang tungkol sa pera. “Our pre-nup is whatever is mine before and after the marriage is mine and whatever is his is his,” she said.

Para kay Heart, pareho raw sila ng pananaw ni Chiz na mas makabubuti ang ganun’g set-up for them. “Since we’re modern, we also have a modern family. He has kids and everything and I think, it’s good for us. I think it’s important to have it all, parang lay it all down on the table so you don’t fight or talk about money. It’s not nice to talk about money.

“So ‘yun na lang - kung anong sa kanya, sa kanya, kung ano sa akin, kung ano sa (magiging) anak ko. O, ganu’n.”

Ang una raw nag-advice ng pre-nup ay si Sen. Miriam Santiago na parang pangalawang ina na ni Heart, and then, of course, ito rin ang gusto ng parents niya na that time ay tutol nga kay Chiz.

Si Chiz na rin daw ang nagsabi na it would be best for them kung magkakaroon ng pre-nup. “Ibinigay niya (Chiz) kung ano ang gusto nila.”

At sa tingin daw niya ay fair din ito para sa mga anak ni Chiz at sa magiging anak nila if ever. “So, they (the kids) don’t have to discuss kung kanino mapupunta ‘yung. . .Clean, malinis.”

Kaya ‘yung bahay daw na ipinapagawa sa New Manila ay kanya at nasa pangalan niya.

Kahit nga raw sa mga negosyo ng magulang nila, hindi na siya nakikihati pa sa mga kapatid niya. “Ever since I started to work, I gave everything to my sisters and ano (brother), because I felt that I was earning my own, na ang swapang ko naman kung pati ‘yun, kukuha pa ako ng percent.

“Before, I used to supply the softdrinks, ganyan, sa mga Barrio Fiesta (chain of restaurants na pag-aari ng magulang niya). I started very young, ‘yung mga machine-machine, ako ‘yun.

“But then, lahat ‘yun, binitawan ko when I started to work. When I was mga 14, and I was doing commercials, parang I felt that it was right that I would give them theirs kasi, hindi naman sila nag-aartista. ‘Yun ‘yung sa kanila,” kwento ni Heart.

Kaya nga happy siya na bine-bless naman siya ni Lord ng magandang work at kayang bilhin ang mga gustong bilhin sa sariling kayod.

Samantala, nag-renew si Heart ng another two-year contract with VAA na siyang nagha-handle ng movies and product endorsement niya.

Happy raw siya sa pamamalakad ng VAA sa kanya that she doesn’t have to worry anything. “Hindi rin naman ako nagmamadali, hindi rin naman ako parang kung baga, hayok na hayok, ‘di ba? Kung anuman ang ibibigay sa akin ngayon, tatanggapin ko and Viva filters everything for me, they take care of everything.

“So, I don’t have to think so much about kung ano pa ang mga kailangan kong gawin. So, I’m very happy. Lahat ng ine-endorse ko – Ponds, Palmolive, Cream Silk, all of that, they’ve (Viva) maintained a good relationship with them, they renew, ganyan,” pahayag pa ni Heart.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with