^

Pang Movies

Nag-iisang lalaking anak ni Robin gustong gayahin si Pacman!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Idol pala ng anak ni Robin Padilla na si Alih ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Hindi raw nito namana sa amang Binoe ang interes sa pag-arte kaya wala sa bokabularyo ni Alih ang pag-aartista. Nalinya ito sa pagboboksing na talaga raw deboto sa nasabing sports kuwento ni Robin sa isang interview.

Sasabak sana si Alih sa laban sa isang amateur fight pero inaawat siya ni Robin. Nakalusot sana ang anak kung hindi ito nagpaalam sa kanya.

Hindi sa walang bilib sa anak o maging sa trainor ng bagets si Robin, pero iba nga naman kung nandoon ang tatay sa tabi nito para tutukan si Alih.

Nakinig naman si Alih kay Robin na huwag munang makipaglaban pero tuloy pa rin ito sa kanyang training. Pangako ni Binoe na next year at hindi pa rin nabago ang passion ni Alih sa pagbo-boxing ay tututukan na niya ang training ng anak.

Aminado naman ang aktor na hindi niya pinipigilan ang mga pinipiling career ng lahat ng kanyang mga anak. Lagi siyang nasa tabi ng mga ito para gabayan at tutukan sa kanilang mga napiling profession.

Nakikinita ni Robin na mukhang hindi niya mapipigilan ang gusto ng anak sa pagsunod nito sa yapak ni Pacman na maging professional boxer balang araw.

Dahil dibdiban si Alih sa kanyang pagkahilig sa pagboboksing, gusto muna ni Robin na ihanda ito nang husto bago niya tuluyang isabak sa mundo ng boxing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with