^

Pang Movies

TV personality feeling natanso ni Sen. Leila de Lima!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagsisisi pala ang isang sikat na tele­vision personality dahil ibinoto niya noong nakaraang eleksyon si Senator Leila de Lima.

Shocked ang television persona­lity nang mapanood nito sa TV ang mga testimony ng mga drug lord at ng isang opisyal ng Philippine National Police tungkol sa alleged connection ni De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

May dahilan para magsisi ang television personality dahil friends sila ni De Lima at sinuportahan nga niya ang kandidatura ng senador na kinamumuhian ng maraming Pinoy ngayon.

Pabagu-bagong twist sa career ni Kris hindi na nakakataka

Isyu para sa mga intrigera ang tsismis na baka bumalik si Kris Aquino sa ABS-CBN dahil hindi nga natuloy ang taping niya noong September 22 para sa bagong show niya sa APT Entertainment.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata dahil kapag si Kris ang sangkot sa isyu, expect na maraming twist dahil type na type niya na pinag-uusapan siya.

Pero kung babalik si Kris sa dating home studio, magiging questionable uli ang kanyang credibility dahil wagas na wagas ang pagpapaalam at paliwanag niya sa Instagram, kesehodang walang nagtatanong.

Showbiz personality nagtitiyaga sa mga kagagahan ng ex para lang makita ang anak

May visiting hours na sinusunod ang male showbiz personality sa anak nila ng aktres na nakipaghiwalay sa kanya. Kapag pumatak ang 7 p.m., hindi na puwedeng bisitahin ng mhin ang bagets or else, magagalit ang ex-dyowa niya.

Hindi rin pumapayag ang aktres na matulog ang bagets sa bahay ng fadir nito. Masakit man sa kalooban, sinusunod ng mhin ang kagustuhan ng aktres kesa hindi niya makita ang anak na kanyang mahal na mahal.

Nag-aalala lang ang mhin dahil baka makuha ng bagets ang weirdo na ugali ng aktres na sala sa lamig, sala sa init ang ugali. Isyu rin sa mhin na madalas na wala sa bahay ang aktres kaya ang yaya ang madalas na kasama ng bagets.

Kahit papaano, malaki ang impluwensya ng yaya sa ugali ng bagets. Sa true lang, mabait, responsable, ideal husband and father ang mhin. Nang makipag­hiwalay sa kanya ang aktres, ito ang nalugi at natalo.

SPS lalarga sa Singapore

Sinabihan na ang cast ng Sunday PinaSaya na magkakaroon sila ng show sa Singapore sa December. Ang GMA Pinoy TV ang sponsor ng show para sa mga kababayan natin na nagtatrabaho at naninirahan sa Singapore.

Sa October naman ang bakasyon sa Japan ng original hosts ng Sunday PinaSaya dahil ito ang treat ni Papa Tony Tuviera sa kanila.

Si Papa Tony ang produ ng Sunday PinaSaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with