^

Pang Movies

Lovi ‘di na kinaya ang traffic, bumili na lang ng bahay sa QC!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“I cannot take it anymore,” hugot ni Lovi Poe sa lalong gumagrabeng situation ng traffic mula sa kanyang house somewhere in the south papuntang place of work niya sa GMA-7.  “Kaya nag-decide akong mag-transfer na sa may Commonwealth in Quezon City, malapit sa place of work ko. Gusto ko ring pumasok sa isang village na maganda sa paningin, na pare-pareho ang mga bahay na nandun.”

Kapag daw kasi ang call time niya sa taping ng Someone To Watch Over Me ay 6:00 a.m., kailangang 4:00 a.m. pa lamang ay ready na siyang umalis ng bahay dahil tiyak na aabutan siya ng traffic papuntang Quezon City.  Ang sa halip daw na itutulog pa niya, kailangang kumilos na siya para hindi siya mahuli sa call time.

Nakabili raw siya ng isang house with three bedrooms pero ginawa na lamang niyang two bedrooms para magkasya lahat ng gamit niya. May mga gamit daw na imi-maintain niya pero bumili na siya ng bagong furniture na babagay sa new house. Iga-garage sale na lamang niya ang mga gamit na hindi na niya kailangan. Of course, hindi niya maiiwanan ang four dogs and one cat na alaga niya.

“Ready na raw ang house para lipatan by the end of October, pero gusto ko munang maayos na ma­a­yos na ito kaya siguro before Christmas na ako lilipat sa bago kong bahay, excited na ako,” natatawang wika ni Lovi.

It’s good to see Lovi na medyo humahalakhak pa sa ilang issue na tinanong sa kanya sa press visit, dahil kapag napapanood ng mga netizen si Lovi gabi-gabi sa primetime drama nila nina Tom Rodriguez at Max Collins, ang Someone To Watch Over Me, wala siyang ginawa kundi umiyak sa mga eksena.

Alden at Maine nagsisiran sa tangke

Hindi natatapos ang linggo na hindi napasasaya nina Alden Richards at Maine Mendoza ang AlDub Nation, kahit na lagi pa rin silang naghihimutok dahil hindi nila alam kung kailan ibabalik ang kal­yeserye sa Eat Bulaga, para araw-araw nilang nakikitang magkasama ang dala­wa.

Last Saturday, ang nagpasaya naman sa kanila ay ang pagtanggap ni Alden na lumangoy siya sa malaking pool/tank sa loob ng Broadway studio para sa segment nilang Challenge Accepted pero pumayag lamang siya nang pumayag din si Maine na lumusong sa pool para sabay kumanta at mag-selfie sa ilalim ng tubig.  Kita naman sa came­ra ang nangyayari sa loob kaya biro ng mga host na sina Pia Guanio at Pauleen Luna-Sotto, habang tili nang tili si Allan K, na para-paraan daw si Alden na sagot naman nito: “Hindi pala mahirap Ms. P madali lang ang trabahong ito.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with