^

Pang Movies

Barbie nilalamon ng buhay ang mga kaeksena

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Napanood namin noong isang gabi si Barbie Forteza sa Magpakailanman. Dramatiko ang role niya rito na tungkol sa isang anak na nadismaya sa kanyang ama, nakakuha ng isang asawang binubugbog siya at noong bandang huli, nasangkot din sa droga na pinakainiiwasan niya dahil sa naging kalagayan ng kanyang ama.

Iba-ibang ang acting ni Barbie kaysa sa nakasanayan naming nakikita sa kanya. Bihira rin naman kasi kaming manood ng TV. Natatandaan naming napapanood namin siya sa mga drama noon, ok naman siya pero ngayon lang namin siya nakita sa isang matured drama. Alam naman naming kinikilala na ang kanyang kahusayan. Katunayan ay ilang ulit na siyang nanalo ng award. Naging best actress pa nga siya sa Fantasporto sa Portugal, pero noong mapanood namin siya noong isang gabi, iba ang naging dating sa amin ng acting niya. Mahusay talaga. Hindi kami magtataka ngayon sa sinasabi ng iba na halos nasapawan niya ang isang aktres na nakasama niya sa isang pelikula lately. Kaya nga raw na-edit pa ang ilang eksena niya sa pelikula dahil baka nga masapawan pa niya ang sinasabing bida roon.

Kung ganyan nga nang ganyan ang ipakikitang acting ni Barbie, aba dapat matakot kung sino man ang mga ar­tistang makakasama niya sa isang proyekto. Kailangang paghandaan nilang mabuti ang kanilang role dahil kung hindi masasapawan nga sila ng batang aktres.

Pero kung iisipin ninyong tumagal nang mahigit dalawang taon ang isang seryeng kanyang nagawa, at malakas pa rin ang following, at ganyan na nga siya kagaling ngayon, ano pa nga ba ang nakakapigil na bigyan siya ng mas malaking break?

Bagong serye nina James at Nadine mas patok kesa sa OTWOL?!

Kung iisipin mo, sinasabi nilang mas malakas pa ngayon ang serye nina James Reid at Nadine Lustre na Till I Met You kaysa sa nauna nilang teleserye na On The Wings of Love. Ang nagiging problema lamang sa ngayon, kasi nga medyo upscale ng kaunti ang kanilang fans, karamihan sa mga iyon ay nanonood ng video uploads dahil mas napapanood nila ng mas ok, at wala ang napakaraming commercials. Bale nagbabayad sila ng Internet time pero so what?

Ang problema naman niyan, papaano mo nga ba maita-translate ang lakas ng ganoong klase ng audience sa ratings ng programa? Madali iyon kung susukatin ang bilang ng views at download na ginagawa, pero ang basehan kasi ng ratings ay ang actual on air viewers. Kung pinanonood din sa downloaded videos, wala na rin ang commercials at kawawa naman ang mga sponsor.

Pero kung dami ng audience ang pag-uusapan, aba mas marami ang nanonood sa kanila ngayon.

Jak puro pagpapakita raw ng katawan ang ginagawa

May isang kritiko na nakakuwentuhan namin at sinasabi sa aming tingnan daw namin ang acting at dating ng baguhang si Jak Roberto. May hitsura naman ang bata, at mukhang ok naman ang dating, pero ewan nga ba kung bakit wala na yata siyang ginagawa sa telebisyon kundi ipakita ang hubog ng kanyang katawan.

Sana mabigyan siya ng isang mas magandang role, kung hindi lalabas na isa lang siya sa mga pogi sa network. Baka ang maging takbo ng career niya ay matulad kay Mike Tan.

Ok ang hitsura, ok ang performance, pero hindi naka-angat ang career.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with