^

Pang Movies

Pagiging galante ni Maine, sa Amerika lang umuubra?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humahataw ang bali-balitang super galante raw si Maine Mendoza at hindi kuno tumatanggap ng regalo mula sa fans at ang nakakagulat, siya pa ang nagbo-blowout sa fans tulad na lang noong magpunta siya ng America kamakailan. Bongga hindi po ba? Pero may mga tagahangang nagtatanong kung sa America lang nagpasiklab ang kabaitan niya. Sa Pilipinas kaya ay ganito rin ang gagawin niya kapag kapiling ang fans dito? Mas rich kung tutuusin ang fans sa U.S.A. at tiyak marami siyang mapapasaya kung magbo-blowout siya sa kanyang fans sa Pilipinas.

Sa rami ng biyayang ibinigay ni Lord sa kanila ni Alden Richards, tiyak na sisiw lang kay Maine ang blowout sa fans. Besides, ang fans niya rito sa atin ay nagbabayad ng sinehan at sa mga show nila ni Alden.

Namayapang Mayor ng jaen na si santy austria, maraming napasaya

Mistulang idolo pala ng mga taga-Jaen, Nueva Ecija ang namayapang mayor na si Santy Austria. Ang naturang mayor ang nag-iimbita palagi ng mga artista tuwing may kapistahan sa kanilang bayan. Maging sa bandang bukirin ay nagpapadala siya ng imbitadong artista bilang handog sa mga kababayan. Nasaksihan namin ang tuwa ng mga taga-Jaen tuwing may motorcade na ginaganap sa imbitasyon ng buti­hing mayor.

Nakita naming lumuluha habang nakapilang tumitingin sa minamahal nilang mayor for nine years ang mga senior citizen. Wala siyang binibigo sa mga lumalapit sa kanya na karamihan ay pambili ng gamot at pagkain ang hanap.

Ang mga artistang naimbitahan na ni Mayor Santy ay sina Marian Rivera, Lovi Poe, Glaiza de Castro, Derrick Monasterio, Ejay Falcon, Roi Vinzon, Dennis Padilla, Ricardo Cepeda, at iba pa. Walang sinumang artista ang nagreklamo after the occasion at may pauwi pa siyang pasalubong bukod sa cash at mga regalo.

Sana sa mga artistang nakadaupang palad ng yumaong mayor maikling dalangin ang kahilingan para sa kanya. Ang butihin niyang asawa na si Mayora Sylvia Austria ay ang bagong mayor ng Jaen. Nangako siyang kung ano’ng sinimulan ng asawang yumao ay kanyang ipagpapatuloy bilang pagmamahal sa mga taga-Jaen

Manny pinalakpakan kahit hindi cum laude

Hindi man cum laude si boxing champion Manny Pacquiao ay pinalakpakan siya sa desisyong binitawan para bakantehin ang position ni Sen. Leila De Lima bilang Chairman. Wala kasing makapag­sabi ng bagay na ito dahil natameme sila sa bigat ng desisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with