^

Pang Movies

Tommy at Miho magbibida na

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Super excited na ang fans nina Tommy Esguerra at Miho Nishida na sa wakas ay magkakatotoo na ang matagal nang hinihiling nila na magkaroon ng  teleserye, ito ang Langit Lupa sa ABS-CBN.

Thankful ang netizens sa mga update sa social media ng dalawa.

Nagsimula na rin kasing mag-taping ang reel and real sweethearts ng kanilang pinakabagong serye. Pati ang post ng komedyanteng si Kitkat na kasama sa cast ay ikinatuwa rin ng mga tagahanga.

Picture pa lang ng dalawa ay tuwang-tuwa at kilig na kilig na ang fans at hindi na rin makapaghintay na mapanood ang power couple na malakas ang hatak.

Wish nga ng fans na sana ay ilagay sa primetime ang kanilang palabas na Langit Lupa dahil hindi rin papatalo ang fans sa pagbibigay suporta sa winner na si Miho ng Pinoy Big Brother at kanyang guwapo at sweet boyfriend na si Tommy na galing din sa PBB.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with