^

Pang Movies

Pamilya Eigenmann at Ejercito, tikom pa sa pasabog ni Max!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

As of presstime, wala pa sa mga Eigenmann at mga Ejercito ang nagku-confirm sa balitang si Jake Ejercito ang biological father ng batang si Ellie na anak ni Andi Eigenmann, ayon sa kapatid ng aktres na si Max Eigenmann. Nag-try ang mga kaibigan nilang close sa kanila na makausap isa man sa kanila last Friday.

Isang close kay Jake ang nag-try siyang tawagan pero wala pala rito ang magkakapatid at ina nilang si Laarni Enriquez dahil birthday  nito kaya nasa Hong Kong para mag-celebrate. May gusto sanang kumausap kay Jaclyn Jose, mom ni Andi, pero nasa taping daw naman ito ng Alyas Robin Hood at ayaw nilang gambalain. May mga nagtanong na rin kay Gabby Eigenmann pero wala rin daw siyang alam kung totoo ang issue sa nakababatang kapatid.

Naniniwala naman ang isang malapit sa mga Eigenmann na magsasalita agad si Andi para i-clear ang issue.

May nagtanong naman na kung sakali bang totoo na si Jake nga ang ama ni Ellie, tatanggapin daw kaya ito ng amang si Manila Mayor Joseph Estrada? Kami na naging malapit na rin sa mga Ejercito, naniniwala kaming tatanggapin ito with open arms ng pamilya. Nag-a-adopt nga sila ng ibang bata, bakit hindi naman kung tunay nilang kadugo ang batang darating sa kanila?

Aljur, Rocco, Derrick at Jake umepek ang payanig

Congratulations sa bumubuo ng Oh, Boy! concert na sina Aljur Abrenica, Derrick Monasterio, Jake Vargas, at Rocco Nacino dahil very successful ang first major concert nila na ginanap sa Music Museum last Friday, September 23.

Sa kabila ng malakas na ulan noong hapon sa Metro Manila, jampacked pa rin ang venue at sa social media, mababasa mo ang paghanga sa performance ng bawat isa, lalo na iyong nagpaka-naughty ang apat na boys. May mga humihingi na ng repeat at mukhang matutupad ang wish nila na sana ay madala nila ang kanilang concert sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Suportado ng mga Kapuso stars ang concert na ang One Up Band ang naging front act. Maaga pa ay nakita na si Kris Bernal, ang very supportive friend ni Aljur Abrenica. Sayang at may taping si Kylie Padilla ng Encantadia kaya siguro hindi siya nakarating. Si Bea Binene, naman ay hindi ang former boyfriend na si Jake ang sinuportahan kundi ang ka-love team niyang muli sa bago nilang show na TsuperHero na si Derrick. Naroon din si Inah de Belen na siyempre ang sinuportahan ay ang bagong ka-love team sa Oh, My Mama! na si Jake.

Bago ang concert ay nakausap naman sa set ng Someone To Watch Over Me ang lead actress na si Lovi Poe kaya nabiro siya kung hindi ba siya manonood ng concert para suportahan ang former boyfriend na si Rocco? Matamis ang ngiti ni Lovi pero may taping nga raw sila nina Tom Rodriguez at Max Collins, kaya hindi pwede.

Besides, hanggang ngayon pala ay hindi pa rin sila nagkakausap ni Rocco, but she wish good luck para sa success ng concert.

Si Julie Anne San Jose ang special guest ng apat na barako at pahuhuli ba naman sa kanila ang mahusay na singer sa rendition niya ng mga song ni Ariana Grande?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with