^

Pang Movies

Andi, Jake, at Jaclyn hinihintay na mag-sorry kay Albie!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mag-apologize man lang kaya sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito kay Albie Casiño matapos na malaman na ngayon ng publiko na si Jake nga pala ang tunay na ama ni Ellie? Gumawa rin kaya sila ng isang public apology, dahil hindi lamang si Albie ang naapektuhan, nalito rin naman ang publiko at napagsabihan ng masama si Albie na wala naman pala talagang kinalaman.

Kung iisipin mo, hindi lamang sina Andi at Jake ang dapat na mag-apologize dahil imposibleng hindi rin alam ng nanay ni Andi na si Jaclyn Jose na si Jake nga ang talagang tatay ng apo niya. Pero noong panahong iyon ay nadiin si Albie, na siguro nga ang masasabing tanging kasalanan ay nanligaw kay Andi.

Si Albie ay papasikat na rin sana noong panahong iyon. Siya ang leading man ni Kathryn Bernardo noon sa Mara Clara, at noon ay hit naman ang remake ng Juday-Gladys drama na iyon. Pero dahil nga sa naging controversy, naapektuhan si Albie at nawala na ang mga kasunod pa sana niyang assignments. Si Kathryn ay naging ka-love team na ni Daniel Padilla, at alam na natin ang kasunod noon.

Matagal na nawala ang career ni Albie, hanggang sa mapahalo pa siya sa isang suntukang na naganap sa isang bar sa Makati na may kinalaman din sa controversy na iyan. Pero ni minsan, walang umamin sa katotohanan para maisalba naman ang actor sa nangyari sa kanya.

Bagama’t nababanggit rin naman ni Andi kung minsan na ang tatay ng kanyang anak ay si Jake, dinudugtungan naman niya iyon nang “dahil siya ang umalalay sa akin noong panahong buntis ako at nagbibigay ng kanyang panahon kay Ellie”.

Nito nga lang nabanggit ng kapatid niya sa ama na si Max Eigenmann, na anak naman ni Mark Gil kay Bing Pimentel, na totoo ngang ang tatay ng anak ni Andi ay si Jake, at saka lumabas ang lahat.

Nung Friday ay nag-post si Albie sa kanyang Instagram account ng “Thank You” na pinaniniwalaan ng netizens na siyang reaction niya sa nasabing isyu.

Alden never pa raw nakatikim ng droga!

Malakas ang loob ni Alden Ri­chards sa pagsasabing kahit na minsan ay hindi siya nakagamit ng droga. Ibig sabihin, kahit na iyang si Alden ay sumailalim sa pinakamatinding drug testing, iyong ang sinusuri ay buhok, tiyak na lulusot siya. Walang makikitang traces na siya ay gumamit ng ano mang illegal substance.

Ang totoo, mai­pagma­malaki naman natin na higit na marami sa ating mga artista ay hindi naman mga addict at hindi gumamit ng ipinagbabawal na droga. Iyang mga gu­magamit, iilan lang naman iyan at sa tindi ng tsismis sa showbiz, hindi na kailangan ang random test, kilala sa showbiz kung sino ang addict at kung sino ang gumagamit.

Ang sabihin natin iyong kagaya ni Alden na hindi guma­gamit, para maging magandang example sa mga kabataan. Hindi iyong kagaya ng iba na matatanda na addict pa.

Isa sa mga pumatay sa Brgy. Captain ng maynila,nakasama ng Kathniel sa serye

May dagdag pang info kaming nasagap, iyon palang isa sa mga pumatay doon sa barangay captain ng Maynila, lumabas pa at may role sa naging remake ng Pangako Sa ‘Yo na pinangunahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with