^

Pang Movies

Buhay ni Hidilyn Diaz, tampok sa MMK

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago pa man magdala ng karangalan sa bansa at magbigay ng inspirasyon sa kanyang mga kababayan, hindi naging madali ang pinagdaanan ng weightlifter na si Hidilyn Diaz para makasungkit ng silver medal sa nakaraang Rio Olympics.

Tunghayan ang nakakaantig na kuwento ng kanyang buhay sa natatanging pagganap ni Jane Oineza bilang si Hidilyn sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Sept. 24).

Lumaki si Hidilyn sa isang mahirap na pamilya sa Zamboanga City. Ngunit kahit na salat sa pera, tanging ang atensyon at pagmamahal lamang ng kanyang pamilya ang kanyang kinailangan upang malagpasan ang mabibigat na hamon ng buhay. Ngunit sa kanyang paglaki, hindi niya naramdaman ito kahit sa mga maliliit na bagay, tulad na lamang ng madalas na pag-utos sa kanya na mag-igib ng tubig kahit pa may mas nakakatanda siyang kapatid para gawin ito.

Nang madiskubre ni Hidilyn mula sa kanyang mga pinsan ang sport na weightlifting noong 2002, sumama siya sa training sessions nila at naging masigasig sa pagsasanay nito. Naging mahirap din ang pagsisimula niya rito dahil sanga ng puno ang una niyang ginamit sa pagpa-practice.

Hindi naging matagal bago nakipaglaban na sa loob at labas ng bansa si Hidilyn. Malaki ang naitulong ng naturang sport sa kanya dahil sa katunayan, ito pa ang naging daan upang makapagtapos siya ng pag-aaral.

Makuha pa kaya ni Hidilyn ang inaasam niyang pagkilala ng kanyang pamilya? Paano niya nalampasan ang mga pagsubok sa buhay para magpursige at  kinalauna’y magtagumpay sa Rio Olympics?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Sofia Millares, Maricel Morales, Smokey Manaloto, Brace Arquiza, John Vincent Servilla, Hero Angeles, Laisa Comia, Dominic Roque, Monsour del Rosario, Ahron Villena, Mico Aytona, Kokoy de Santos, at Perry Escaño. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at panulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with