^

Pang Movies

Vina maraming pino-problemang kaso

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa ngayon, siguro nga wala nang magagawa si Vina Morales kundi ang magpakatatag, lalo na at maraming kaso ring iniharap laban sa kanya ang dating boyfriend at ama ng kanyang anak na si Cedric Lee.

Nagsimula ang labanan nilang legal nang iniangal ni Vina ang diumano ay walang pahintulot na pagkuha ni Cedric sa kanilang anak, habang siya ay nasa isang concert abroad.

Masakit nga naman sa ulo na kailangan mong magtrabaho nang husto para sa kabuhayan nila, tapos may iniintindi ka pang mga usaping legal, pero walang choice si Vina kundi ang magpakatatag sa ganyang sitwasyon.

Siguro ang masasabi na nga lamang advantage ni Vina ay nariyan naman sa likod niya ang kanyang pamilya na nakahandang dumamay sa kanya ano man ang mangyari. Nandiyan lamang sa likod niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Kung hindi, siguro ay mas mahihirapan siya.

Pero sinasabi nga rin nila, si Vina naman ay pinatibay na ng panahon. Marami na rin siyang mga nada­anang problema kahit na noong bata pa siya na nalampasan naman niyang lahat. Kahit na nga sabihin sigurong wala siyang malakas na suporta ay napapatakbo pa rin niya nang maayos ang kanyang career. Kahit na papaano naman ay hindi siya nawawalan ng trabaho. Maganda rin naman ang itinatakbo ng kanyang mga nasimulang negosyo. Kung hindi rin niya pinagsikapan iyon, mahihirapan siya kung ang kanyang singing at ac­ting career lamang ang kanyang aasahan.

Pero kagaya nga ng sinasabi ng mga nakakakilala sa kanya, hindi siguro maapektuhan si Vina kung mga ganyan-ganyang problema lang. Mukhang nang mapunta naman siya sa ganyang sitwasyon ay napaghandaan na rin niyang lahat kung ano man ang maaaring mangyari.

Ikinumpisal ng kapatid Anak ni Andi si Jake ang tatay

Minsan ay nabanggit na naming narinig naming sinabi mismo ni Andi Eigenmann na ang talagang ama ng kanyang anak ay si Jake Ejercito, at hindi lang nila maamin noong una dahil aniya, “takot kami kay Erap”.

Pero kagaya nga ng sinabi namin, narinig naming sinabi niya iyon mismo, pero hindi niya sa amin sinabi iyon kundi sa isa pang writer din na kasamahan namin, at nagkataong kakuwentuhan namin noong masabi niya iyon.

Kahapon may isa kaming kaibigang nagsabi na “totoo pala ang sinabi mo tungkol sa anak ni Andi”, at ipinadala niya sa amin sa pama­magitan ng e-mail ang kapirasong video kung saan ini-interview ang kapatid ni Andi na si Max Eigenmann, kung saan sinabi rin noon nang tuwiran na totoong si Jake Ejercito nga ang “biological father” ng anak ng kapatid niyang si Andi.

Minsan may mga sikreto talagang gusto mo mang itago, lumalabas pa rin.

Confirmed dalawang suspek sa pagpatay ng Brgy. Chairman, nag-walang tulugan

May correction silang sinabi sa amin tungkol doon sa mga suspect doon sa pagpatay sa barangay chairman. Hindi lang pala isa kundi iyong dalawa mismo ay lumalabas noon sa Walang Tulugan. Hindi rin naman sila talents ng show mismo kundi member sila ng isang dance group na kung tawagin noong araw ay Good Vibes. Nakakahinayang lang dahil kung pinagbuti na lang nila ang kanilang career ay baka hindi sila nasadlak sa ganoong problema.

Naiharap na sa piskalya ang dalawang suspects.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with