^

Pang Movies

Dahil sa higpit ng China Mano Po movie ni Richard sa Taiwan na magsu-shooting

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Taiwan-bound na ang main cast ng Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment at hindi na sa China gaya ng unang napabalita. Mahigpit daw kasi ngayon sa pagbibigay ng visa sa China. Anytime this week ay aalis na ang ilan sa cast na kinabibilangan nina Richard Yap at Jean Garcia.

Bago umalis, tinapos muna ang isang big scene sa Gloria Maris Greenhills last Thursday. Present ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde na personal na nag-supervise sa paggawa ng Chinese tradition kapag may malaking okasyon.

Pati nga mga mayayamang Chinese friends ng mag-ina ay pumayag maging crowd sa shooting na ‘yon, huh! Game naman nilang tinapos ang big scene na  libre.

Bale 25th wedding anniversary nina Richard at Jean bilang Mr. and Mrs. Wong ang kinunan. Present ang gumanap nilang mga anak na sina Jana Agoncillo, Janella Salvador, at Enchong Dee.

Isang rebeldeng anak ang role ni Enchong.  Malayung-malayo ang papel niya sa roles na dati niyang ginampanan na pakyut at papogi lang. Acting kung acting ang eksena niya nu’ng shoot na ‘yon.

Sa maiksing tsikahan naman kay Richard, so far, so good naman ang nangyayari sa shooting. Kinakaya naman niya ang mga eksena pati na sa dramatic scenes. Bale ito kasi ang biggest acting break ni Richard bilang lead actor.

Bale day 10 na ang naganap na shooting. Ayon sa supervising producer na si Manny Valera, six days na lang ang shoot na gagawin nila. Kaya naman pasok na pasok sa October 31 deadline ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang MP7 na isa sa ipinasok na entries ng Regal Entertainment. Mula ito sa direksyon ni Ian Lorenos na gumawa ng Jericho Rosales movie na Alagwa.

Anyway, bago ang MP7, ang My Rebound Girl nina Alex Gonzaga at Joseph Marco ang offering ng Regal sa September 28. Sa November 9 naman ang showing ng The Escort nina Christopher de Leon, Lovi Poe, at Derek Ramsay.

Roselle na-feature sa CNN

Solong-solo ni Roselle Monteverde ang limelight sa feature na ginawa sa kanya ng CNN Phi­lippines.

Si Roselle ang featured sa second season ng Leading Women ng CNN na hinu-host ni Angel Jacob at mapapanood ang episode niya sa October 2.

Tinutukan ng programa ang ginagawa ni Roselle bilang in-charge ng Regal Entertainment. Sinamahan siya sa shooting ng Mano Po 7 at ina­lam ang naging experience niya sa pag-produce ng Regal movies.

Siyempre, hindi maiwasang ikumpara si Ro­selle sa inang si Mother Lily na nagpalaki ng Regal Empire. Nangapa man nu’ng una, unti-unti nang namamana ng anak ang magic ng ina pagdating sa movies na papatok sa masa at very now ang konsepto, huh!

Encantadia umalagwa

Supalpal ang mga hater ng GMA telefantasya na Encantadia na umaalipusta sa mahina umanong ratings nito. Sumisipa na ito sa ratings bukod pa sa magagandang reviews na natatanggap nito.

Nitong September 5-9, humamig ito ng 10.8% ratings mula sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement). Tumaas pa ang rating nito nu’ng Sept. 12-16 na nakakuha ng 11.2% ratings.

Sa Urban Luzon, pataas din ang ratings nito, mula sa 12.4% mula Set. 5-9 at naging 12.8% sa kasunod na linggo. Nag-overall number 1 ito sa Urban Luzon sa period na August 15 to September 16 kasama ang ilang Kapuso programs na nasa Top 10, ang Descendants of the Sun, Kapuso Mo, Jessica Soho, at Pepito Manalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with