^

Pang Movies

Pia at car racer na si Marlon Stockinger, nagdi-date!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Porke’t naglabas ng litrato si Miss Universe Pia Wurtzbach na kasama ang car racer na si Marlon Stockinger, inili-link na sila sa isa’t-isa.

Malalaman natin ang tunay na estado ng pagi­ging magkakilala nina Pia at Marlon sa susunod na linggo.

May nagbulong sa akin na uuwi ng Pilipinas si Pia at haharap siya sa entertainment press.

Hindi ako sure kung sorpresa ang pag-uwi ni Pia pero confirmed na dara­ting siya sa bansa para sa isang product endorsement.

Apat na buwan na lang, isasalin na ni Pia sa iba ang kanyang Miss Universe crown. Extended pa nga ng isang buwan ang reign niya dahil December 2015 nang manalo siya sa Miss Universe at sa January 2017 ang coronation sa Pilipinas ng successor niya.

Pambato ng Pilipinas sa Miss Global may laban ang hitsura

For the love of Nap Gutierrez, may-I-remind ko sa dear readers ng PM na ngayong gabi ang big night sa PICC Plenary Hall ng Miss Global 2016.

Forty ang official candidates ng Miss Global 2016 na mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Si Camille Hirro ang official candidate ng Pilipinas sa Miss Global at marami ang nagsasabi na malaki ang tsansa niya na makuha ang korona.

Nag-umpisa ang Miss Global sa USA noong 2013 at hindi pa nararanasan ng Pilipinas na masungkit ang korona.

Hoping ang mga kababayan natin na si Camille ang first Pinay na mananalo na Miss Global 2016 dahil malakas ang dating niya. Nangingibabaw ang beauty ni Camille dahil sa lahat ng mga kandidata, siya lang ang may short hair  kaya lalong lumutang ang kagandahan niya.

Maingay na ulit sa social media Ex ni Gabby naka-move on na sa pagkatalo ng anak na si Cloie 

Active na uli si Jenny Syquia sa pangangampanya para sa beauty contest na sasalihan ng kanyang anak na si Cloie Skarne, ang Miss Earth 2016 na magaganap sa Pilipinas sa October 29.

Matagal-tagal na hindi nagparamdam si Jenny mula nang koronahan na Miss Earth Sweden ang anak nila ni Gabby Concepcion.

Ang duda ng iba, baka hindi satisfied si Jenny sa beauty title na na-getlak ni Cloie dahil mas prestigious ang Miss Universe Sweden kaya nanahimik siya.

Sandali lamang ang pananahimik ni Jenny dahil ipino-promote niya uli ang international beauty contest na sasalihan ni Cloie.

May-I-share ni Jenny ang dahilan ng pagsali ni Cloie sa Miss Earth at ang advocacy nito:

“My environmental advocacy is to combat the number one contributor to green house gasses and thus help the environment.

“When all life on earth thrives in harmony, so does the environment. Let’s get together and use our minds, hearts and the techno­logy we have today to combat climate change and make a better tomorrow,” ang pralala ni Cloie.

Landian ng aktor at aktres lutang na lutang  

Eklay lang daw ng dalawang youngstar ang kanilang pralala na wala silang relasyon.

Ang sabi ng mga tao sa paligid nila, in love na in love sa isa’t-isa ang dalawa pero hindi sila aamin para lalong kiligin ang fans.

Kahit hindi naman umamin ang mga youngstar, halatang-halata naman sa mga kilos nila ang inililihim na love affair.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with