^

Pang Movies

Kris hindi na umepekto ang pagpapahabol!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi big deal kung lumipat na si Kris Aquino sa Kapuso network.

Balik-bahay lang iyon na maituturing dahil sa GMA rin siya nanggaling noon kung saan kasama pa niya si Boy Abunda sa Startalk.

Nagulat nga rin ang lahat noong biglaang lumipat si Kris sa ABS-CBN sa hindi malamang dahilan.

Kung si Maine Mendoza ang lumipat sa Kapamilya baka mas maging big isyu pa.

Ang big deal, nagbago ng manager si Kris, si Mr. Tony Tuviera na ang nangangalaga sa kanyang career sa halip na si Kuya Boy.

Maugong ang balita na gusto sanang balikan ni Kris ang time slot niya na napunta kina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

Ang problema, mas mataas daw ang rating ngayon ng Magandang Buhay ng tatlo at kung mababalik sa dati ay baka hindi ito makabawi ng husto.

Pero teka, totoo ba talagang lilipat si Kris or haka-haka lang? Sabi nga pahabol epek lang siya kaso wala nama yatang naghahabol sa kanya.

Well, ganyan talaga sa showbiz kung sinong kinakagat, doon nakatutok ang network.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with