^

Pang Movies

Miguel napansin sa UN

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi lang sa pag-arte mahusay ang Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix, dahil ultimo ang United Nations, nakita ang kanyang potential na maging isang mahusay na leader.  Bumisita kasi siya sa opisina ng United Nations Population Fund (UNFPA) dito sa Pilipinas para sa isang courtesy call sa country representative nito na si Klaus Beck. Sinasabing si Miguel ang magiging ambassador ng U4U, isang youth initiative na pinangungunahan ng UNFPA at Commission on Population.

Jake Vargas, ready nang magpaka-bad boy

Nakilala siya bilang isa sa pinaka-gentleman na leading man sa TV. Pero it seems like change is coming na rin para kay Kapuso actor Jake Vargas dahil ibang Jake na raw ang makikita ng viewers sa pinakabago niyang show sa GMA Afternoon Prime na Oh, My Mama kung saan kasama niya sina Inah de Belen at Jeric Gonzales. Gaganap kasi siya rito bilang isang miyembro ng sindikato kung saan wala siyang kinakatakutang gawin. “Bago ito sa akin talaga  kaya kahit medyo nahihirapan pa akong gawin, masasabi kong ready na ako. Yung character ko rito is isa akong sindikato kung saan wala akong takot sa mga bagay. Pero magbabago ako kapag nakilala ko yung character ni Maricel (Inah),” kwento pa ng binata.

Samantala, bibisita si Jake kasama pa ang ibang cast ng Oh, My Mama sa SM City San Jose Del Monte Bulacan ngayong Linggo, Setyembre 4, (4PM) para sa isang mall show. Makakasama niya sina Inah De Belen, Ashley Ortega, Phytos Ramirez at Jeric Gonzales.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with