^

Pang Movies

Parang bagong kasal Ryan sinorpresa ng bahay sa Las Vegas si Juday

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Wow niregaluhan ni Ryan Agon­cillo ng bahay sa Las Vegas ang misis niyang si Judy Ann Santos.

Sa Instagram account ni Ryan ay ipinost niya ang video kung saan dinala niya ang misis sa bahay.

Parang bagong kasal ang drama ng mag-asawa. Binuhat ni Ryan si Juday papasok sa bahay. Tinanggal muna ni Juday ang bag niya sabay dialogue ng additional 10 lbs. pa raw ‘yun na ang ibig sabihin ay dagdag sa weight niya.

Binuhat ni Ryan ang misis at nag-dialogue ng “Welcome to your home.”

At nang ibaba na niya si Juday nag-dialogue uli si Ryan ng ‘this is your new home’ sabay halik sa lips ng dalawa.

Base sa video, wala pang mga kagamitan ang bahay.

Walang kasamang anak ang mag-asawa na naka-seven years na nang bumiyahe pa-US kamakailan. Last anniversary nila ay nagkaroon sila ng renewal of marriage.

As of presstime, 150,000 views na ang video ni Ryan na may caption na ‘I love you judy anne’ #dirtyvegas’.

Ang balita, mura lang ang pagkakabili nito ni Ryan. Pero siyempre merong ibang nagne-nega agad. Sana raw sa mas payapang lugar siya bumili. Baka raw matuto pang magsugal ang mag-asawa sa Las Vegas. Marami rin daw nagaganap na krimen sa nasabing lugar. #pakialamera!

Aktres na maganda at magaling nakaalpas na sa tomboy, nakatisod daw ng foreigner

Buti naman daw at nakaalpas na sa tomboy ang isang aktres.

Umamin si aktres na mayroon siya ngayong foreigner. At certified na may lawit.

Ayon sa source, matagal ding nagpatali ang magaling at maganda na not so young actress sa tibo. At hindi raw ‘yun naitago ng aktres dahil nakikita silang magkasama. Pero kamakailan ay umamin ang aktres na may boyfriend na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with