^

Pang Movies

Carla pinatanda sina Heart at Dennis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Cute ang picture ni Carla Abellana bilang ang nagdalagang si Katkat, ang adoptive daughter nina Juan (Dennis Trillo) at Happy (Heart Evangelista) sa Juan Happy Love Story na final episode na bukas, September 2.

Hindi naman nahirapan ang production at si Direk LA Madridejos na kumbinsihin sina Dennis at Heart na patandain ang characters nila at paganaping adoptive daughter niya si Carla. Very willing si Carla na tanggapin ang guest role, kahit isang eksena lamang siya sa romantic comedy serye.

Bago mag-ending ang serye, marami pa ring nakatutuwang eksenang magaganap na sinulat lahat ni Katkat sa kanyang libro titled Juan Happy Love Story.

Serye ni Jennylyn kanselado na?!

Walang naniniwala kay Jennylyn Mercado na 24 inches ang kanyang waistline dahil kitang-kita naman sa dress na suot niya sa presscon ng Superstar Duet kung gaano kaliit ang waistline niya.

Masaya si Jennylyn sa bago niyang celebrity singing competition at wala raw dull moment sa taping nila, kasama sina Mike “Pekto” Nacua, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Rita Daniela, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace at Osang. Nakiusap si Jen na panoorin simula sa Saturday, September 3, pagkatapos ng Magpakailanman, ang kanyang bagong programa.

Tungkol sa teleserye na dapat ay gagawin niya, ang My Love From The Stars, natanong si Jen kung nabasa niya ang mga bashing sa kanya nang unang lumabas na si Alden Richards ang makakatambal niya, na siyempre ay ayaw ng fans nina Alden at Maine Mendoza.

“Hindi naman maiiwasan iyon, pero hindi ko na lamang po binasa para walang negative vibes.  Saka nakita ko naman na maa­yos ang pagsasama ng dalawa kaya ha­yaan na natin sila.

“Saka wala pa po rin namang nakukuhang makakatambal ko, nagpapa-audition pa naman ang GMA, bahala na po sila roon.  Alam ko rin, na wala pang vacant slot sa primetime ng GMA, kaya malamang talagang next year na ako gagawa ng bagong soap.”

Ilang araw nang nagpu-post si Dennis Trillo ng suporta niya kay Jen, sa pagho-host nito ng Superstar Duets at sa bago niyang album na Ultimate na may grand launch sa September 23, pero nang tanungin si Jen tungkol sa pagiging open na ni Dennis sa kanilang relasyon, nakiusap siyang huwag na lamang niyang sagutin. Gusto raw niyang magkaroon na ng privacy ang personal life niya. “Gusto ko rin pong magtira ng privacy sa buhay ko, iyong tahimik na lamang. Kahit po iyong sa anak kong si Jazz, ayaw ko na rin po siyang isali sa showbiz. Mas maganda iyong he lives a normal life lalo pa at nag-aaral na nga siya.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with