^

Pang Movies

Yen bumigay agad kay Piolo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sabay pumasok sa Pinoy Big Brother Teen Clash 2010 edition sina Yen Santos at Devon Seron. Una nga lang nabigyan ng malaking break sa movies si Yen via Regal’s Once In A Lifetime habang si Devon ay supporting role ang nagawa sa Regal movies na Haunted Mansion at I Love You Death.

Pero sabay silang pumirma ng movie contract sa Regal last Tuesday. Eh kung may OIAL si Yen ngayon, si Devon naman ay magbibida na sa isang horror film na Puwera Usog.

“Nakakabata ng puso ang tiwalang ibinigay sa akin nina Mother Lily at Roselle,” sabi ni Devon. Para naman kay Yen, dahil sa Regal, nabigyan siya ng biggest break sa pelikula at nakabiyahe pa sa New Zealand.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, kasabayan nina Yen at Devon si James Reid sa PBB. Kay James ipinareha si Devon nu’ng early days nila sa showbiz. Pero natutuwa siya dahil nang magkita sila ni James sa ASAP eh binati siya nito.

“Hindi kami nagkausap pero natutuwa ako dahil hindi pa rin nakakalimot si James. Happy ako sa success niya,” sabi ni Devon.

Para naman kay Yen, hindi pa rin siya makapaniwalang si Piolo Pascual ang unang leading man niya sa unang movie kaya naman hindi na siya aarte pa ‘pag nagkaroon sila ng intimate scenes sa Once In A Lifetime.

Jennifer Burn idol si Sarah

Maganda na eh maganda pa ang boses ng half-Filipino at half Japanese na si Jennifer Burn. Na-meet siya ng press kahapon through her manager, Victoria Ozawa na dati ring nag-artista.

Bata pa lang si Jennifer ay hilig na niya ang kumanta. Tapos na siya ng college sa Japan at nais niyang subukan ang pagkanta sa bansa. No less than Vehnee Saturno ang mamahala sa kanyang unang album.

Kuwento ni Jennifer nu’ng teenager pa siya, kumakanta siya sa mga train stations sa Japan kasama ang kanyang ina.

Nangyayari raw ‘yon sa Japan at hindi siya natakot dahil alam niyang safe ang lugar.

Bukod sa pagkanta, may mga na-compose na Japanese songs si Jennifer. Nilagyan niya rin ito ng English version at namangha ang press na nakarinig ng boses niya.

Sa local singers, si Sarah Geronimo ang hinahangaan niya.

Tim Yap naalarma sa pagkakadawit sa droga

Naalarma ang events specialist, occasional TV host at businessman na si Tim Yap sa kumakalat na balitang lumayas umano siya ng bansa dahil hina-hunting siya ng law enforcers dahil sa drugs. Martes pa lang ng gabi ay worried na si Tim dahil nakarating na sa kanyang pinag-usapan siya sa DZBB radio program nina Arnold Clavio at Ali Sotto dahil sa ibinalita ni Manay Lolit Solis sa umano’y pag-alis ng bansa dahil nasa drug list siya ng Philippine National Police.

Through the help of Angel Javier-Cruz, GMA’s Vice President for Corporate Affairs and Communications, naipamahagi ang official statement niya linking him to drugs at pagiging supplier niya umano. Sa radio program nina Igan at Ali, muli niyang ipinagdiinan na hindi siya supplier ng drugs at never siyang gumamit ng droga.

Sa totoo lang daw, nakikipag-coordinate siya at club owners sa The Fort sa PDEA at PNP tungkol sa pagsugpo ng drugs.

Maging si Tim ay walang maisip kung sino ang nagpapakalat ng maling akusasyon sa kanya.

“Minsan, life is so unfair. Bakit ganoon? Pero wala akong magagawa,” saad ni Tim sa interview sa kanya.

Pinabulaanan din niyang supplier umano siya ng party drugs.

“Hindi porke nandoon ako sa parties, nasa bar eh ako na ang nagsu-supply. Hindi po totoo ito. Napaka-unfair. It’s something na hindi ko inakalang ever maa-attach sa akin,” katwiran niya.

Sa tanong ni Arnold kung wala ba siyang legal moves na gagawin upang alamin kung sino ang nagpapakalat ng maling balita sa kanya, sagot ni Tim, “Alam mo, para sa akin, makikita naman nila sa record ko na hindi ko ginagawa ‘yon.

“Hindi ko po gawain. Sometimes, let it pass. Ano tawag dito? You just let it go through its process.”

“I don’t want to empower it with negative thought dahil hindi siya totoo! Kung ano ang nababasa ng mga tao, parang mas matalino ang mga tao para hindi paniwalaan ang lahat ng nababasa nila!” saad pa ni Tim.

Pero sa panig ni Tim hindi siya naniniwalang mga kaibigan niya ang nagpapakalat ng maling akusasyon sa kanya. May lawyer naman siyang handang magsagawa ng hakbang upang malinis ang pangalan niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with