^

Pang Movies

Hirap na hirap, Daniel naka-400 takes sa eksenang may English

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi sila nakasama sa 40 Star Magic talents na nauna nang nagpa-drug test dahil nagsu-shooting daw sila that time.

“Pero sa next yata,” say ni Kathryn sa panayam sa kanila ni DJ (Daniel) ng ABS-CBN.

“At saka ‘yun lang yata ‘yung naano (na-test) nung day na ‘yun. After ng 40, na-cut na. So, marami pa rin yatang hindi nakaano (nakapagpa-test)” sabi naman ng Teen King.

Willing ba silang magpa-undergo ng drug test?

Halos sabay na sumagot ang KathNiel. “Yes of course,” mabilis na sagot ni Kat. “Oo naman,” sagot naman ni DJ. “Kung kailangan,” dagdag pa ng young actress.

Tulad ng Star Magic, suportado rin daw nila ang all-out war against drugs ng gobyerno.

“Suportado namin ‘yun. Kasi, para ma-clear, para alam ng mga tao. I think, okay na rin ‘yung way para masagot ‘yung mga tanong nila,” sabi ni Kat.

Ayon naman kay Daniel, “Kung anuman ‘yung makakabuti sa bansa natin.”

Pabor din si DJ sa panawagan ng Tito Robin Padilla niya na huwag munang pangalanan ang mga nasa listahan ng gumagamit ng ipinagbabawal na gamot hanggang hindi sigurado.

“I think, huwag muna dahil baka may madamay naman tayong hindi talaga gumagamit or nagtutulak. Kawawa rin naman. So, siguro pag-isipan pa nila and siguraduhin,” sey ni DJ.

Kay Daniel and Kathryn pa rin, sa presscon ng Barcelona, A Love Untold ay inamin nilang napapagalitan din sila ni Direk Olivia “Inang” Lamasan habang ginagawa nila ang pelikula.

“Marami. Parang lahat ng eksena do’n, hindi namin nakukuha ng isahan lang,” sabi ni Kathryn.

Sobra raw mabusisi talaga si Inang at ultimo paglakad nila, kapag mali ay inuulit.

“Paglakad, ‘yung pagtingin, paghinga, lahat ‘yon. So parang sabi namin ni DJ, parang nag-back to zero kami. Parang nag-take kami ulit ng panibagong course sa mundo ni Inang sa set. Kasi, parang ‘yung pinag-aralan namin dati, hindi pa ‘yun enough na parang ang dami pa pala naming kailangang i-improve, ganyan.

“And masaya kami na naging open kami kay Inang para sa mga new learnings na ‘yun,” paha­yag ng Teen Queen.

Para naman kay DJ, ‘yung eksena raw niya na ipinapakita sa trailer na nag-i-Ingles siya ay ang pinakamarami raw niyang takes.

“‘Di ko alam kung paano ko gagawin. Iniisip ko ‘yung emosyon ko, iniisip ko pa ‘yung mga linya ko. So, medyo nahirapan ako sa parte na ‘yun,” sabi ni DJ.

Ang sinasabing eksena ng young actor ay ‘yung line niyang “You don’t know my pain” kay Kathryn. Pero aniya, may kasunod pa palang linya ‘yun na tinanggal na dahil hindi niya talaga magawa.

“Meron pang (dialogue na) “stop psycho-analyzing me”. So, nakita n’yo, wala na, ‘di ba? Tinanggal eh. Kasi, nahihirapan talaga ako,” pag-amin niyang natatawa.

So, naka-ilang take siya ro’n?

“400 ata,” natatawa niyang sabi, sabay-bawi rin. “Hindi, basta marami, hindi siya naging madali,” he said.

Pero sa trailer, sa totoo lang, hindi naman halatang nahirapan sila dahil ang ganda-gandang lumabas ng mga eksena nila lalo na nga ‘yung partikular na scene na sinabi ni DJ na nahirapan siya.

Anyway, showing na sa Sept 14 ang Barcelona: A Love Untold.

Yen ang daming first time kasama si Piolo

Pumirma ng kontrata sina Yen Santos at Devon Seron bilang Millennial Regal Babies ni Mother Lily Monteverde last Tuesday sa Valencia Mansion ng Regal matriarch.

Four picture ang pinirmahan ng dalawang ABS-CBN talents at si Yen nga ay first movie niya na ang Once in a Lifetime with Piolo Pascual na kasalukuyan na nilang ginagawa.

Kararating lang ni Yen mula sa New Zealand kung saan nila kinunan ni Papa P ang mahahalagang eksena sa movie. Ito rin bale ang first movie niya ever at ang Ultimate Heartthrob pa ang kanyang katambal kaya naman sobrang honored and flattered siya.

Sa contract signing-cum-presscon ay nahilingan si Yen na magkwento ng experience niya sa NZ with Piolo at aniya ay sobrang saya raw.

“Kasi sabi ko nga po, ang dami ko pong first time. First time kong makagawa ng pelikula, tapos siyempre of course, kay Piolo Pascual pa, out of the country pa ‘yung shoot. Kaya sobrang laking opportunity po para sa akin kaya very, very thankful po ako,” say ni Yen.

When asked kung kumusta namang katrabaho si Papa P. ayon sa dalaga ay na-starstruck siya sa first and second shooting day kaya naman talagang medyo nahirapan siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with