^

Pang Movies

JaDine ini-enjoy ang bawat oras na magkasama!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sina James Reid at Nadine Lustre sa B Hotel sa Scout Rallos, Quezon City noong Monday night.

Hindi magka-date sa nasabing hotel ang JaDine. Nandun sila para sa taping ng bago nilang ABS-CBN teleserye, ang Till I Met You.

Nang gabing ‘yon din ang pilot telecast ng Till I Met You at during dinner break, sabay-sabay nilang pinanood ang kanilang teleserye.

May pinuntahan kami sa B Hotel nang gabing ‘yon at nang makita kami ng direktor ng Till I Met You na si Antoinette Jadaone, sandali kaming nagkatsikahan habang bina-blocking pa ang susunod na eksenang kukunan kina James, Nadine at JC Santos.

Nag-congratulate kami kay Direk Antoinette dahil sa magandang feedback sa Till I Met You nang magpa-preview sila noong Sunday night sa Trinoma Cinema. Pinuri ng entertainment press ang Till I Met You at sinabing may promise ito at mukhang katulad ng unang teleserye together ng JaDine, ang On The Wings of Love, ay hahataw din sa rating at sa social media. 

Samantala, maganda ang feedback ng viewers sa pilot episode ng Till I Met You noong Monday.

Bago nga pala kami umalis ng B Hotel, pinagmasdan muna namin ang sobrang sweet sa isa’t isa na reel and real sweethearts at mukhang ine-enjoy talaga nila ang bawat sandaling magkasama sila.

Camp Sawi naka-second week na

Second week na ng Camp Sawi ng Viva Films. Successful ang first week of showing ng Camp Sawi na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Sam Milby at Bela Padilla.

Sabi ng isang involved sa Camp Sawi, na­dagdagan pa raw ang mga sinehan nila at mukhang makaka-three weeks or more pa ang pelikula nila sa mga sinehan.

With Camp Sawi nga, may rason para mag-celebrate ang mga taga-Viva Films, huh!

Anyway, maraming nagsasabi na pelikula ni Bela ang Camp Sawi.

Ang galing-galing daw ni Bela sa pelikula at ang ganda ng kanyang mga eksena.

Bonggang-bongga raw ang exposure niya at maganda ang feedback sa kanya. Magaling naman talagang artista si Bela at wala namang nang-iintriga na co-producer ng pelikula ang busineman-boyfriend niyang si Neil Arce kaya mahaba ang exposure niya. Siguro puwede pang may kumuwestiyon kay Bela kung sakaling palpak ang feedback niya sa Camp Sawi!

Pagdating nga sa bagay na ‘yon, hindi sawi si Bela kundi panalung-panalo dahil wala ngang negative review sa pagbibida niya sa Camp Sawi! ‘Yun lang!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with