^

Pang Movies

Ayaw mag-labor ng matagal Heart takot magbuntis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-last taping day na ang Juan Happy Love Story (JHLS) nina Dennis Trillo at Heart Evangelista-Escudero dahil finale episode na nila sa Friday, September 2. Kaya natanong si Heart kung ano ang plano niya since wala muna siyang susunod na project sa GMA 7.

“Kakarerin ko na ang pagbubuntis,” natatawang sagot ni Heart. “Kaya lamang siguro next year na talaga dahil gusto naming lumipat na ng bagong bahay sa December. Hindi ako pwedeng mabuntis habang naglilipat pa ako. Although nag-offer na ng help sa akin ang mommy ko at sisters ko, dahil hindi ko naman talaga kakayaning mag-isa iyon.

May kinuha na akong interior designer pero gusto ko pa ring hands-on ako habang naglilipat kami. May mga offer pa rin tungkol sa bag paintings na I have to go abroad, pero sandali lamang naman iyon.”

Nabanggit noon ni Heart na takot talaga siyang magbuntis, pero gusto na rin niya kahit hindi raw naman siya minamadali ng kanyang mister. Bakit siya takot magbuntis?

“Scared ako sa pain, sa pregnancy, lalo na kapag nakakarinig ako kung gaano kahirap magbuntis, plus ako more than 24 hours nag-labor sa akin ang mommy ko bago ako ipinanganak. But, kakayanin ko rin iyan, paghahandaan ko talaga.”

Papasok sa finale episode si Carla Abellana bilang ang lumaking si Kat-kat, ang adoptive daughter nina Juan at Happy, na isusulat ang naiibang love story ng kanyang parents ngayong may asawa na rin siya.

After ito ng Pinoy adaptation ng Koreanovelang Descendants of the Sun.

Alden hindi pa alam kung kailan susulpot sa Encantadia

Ipinakita na sa Encantadia noong Monday ng gabi si Alden Richards sa role nito bilang si Lakan.  Maraming netizens ang maganda ang comments at excited na raw silang mapanood muli si Alden sa primetime show.

May nagtanong pa kung kailan lilipad si Alden, may sumagot naman na nasa daigdig muna ng mga tao si Lakan. But we heard na nag-taping na si Alden na naka-harness at lumipad na siya. Iyon lang, ‘di pa alam kung kailan siya talaga mapapanood sa epic serye.

Ruru walang inggit sa katawan

Nakausap namin noong presscon ng anniversary ng Sunday PinaSaya si Ruru Madrid na isa sa mainstay ng telefansiya (Encantadia) tungkol sa pagpasok ni Alden sa epic serye.

Ang lawak ng pag-iisip ni Ruru sa kabila ng edad niya, at wala siyang inggit sa success ng iba. Gumaganap kasi si Ruru bilang si Ybarro/Haring Ybrahim sa epic serye.

Aware ba sila na kaya raw ipapasok si Alden ay para tumaas ang rating nila?

“Hindi po natin mapipigilan ang mga tao na mag-isip ng ganoon,” sabi ni Ruru. “Alam po naman natin kung gaano kasikat si Alden, kaibigan ko siya at may bonding kami sa Sunday show kaya masaya rin ako nang malaman kong papasok siya sa Encantadia.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with