^

Pang Movies

Tilian ng fans ng KathNiel hinihintay kung ma-translate sa takilya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung ang pagbabasehan ay ang nakita naming reaksiyon ng kanilang fans, sigu­rado ngang magiging hit ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Barcelona: A Love Untold.

Doon sa isang mall na malapit sa amin, kung saan kami nag-lunch noong Linggo, aba akala mo kung ano na ang nangyayari dahil puro sigawan na sa buong paligid.

Pagkatapos naming kumain, hinanap namin kung ano ang dahilan ng kaguluhan, at nakita namin ang nagtitiliang mga tagahanga. Mayroon palang promo doon ang pelikulang Barcelona, at inaasahan nilang darating doon sina Daniel at Kathryn. Alas tres pa iyong schedule, pero alas-dose pa lang ay nagtitilian na sila. Sabi nga namin, makatili pa kaya sila pagdating ng oras na naroroon na ang kanilang mga idol, eh wala na silang ginawa kung di magtilian nang magtilian.

Papalabas naman kami ng mall, nasalubong namin ang isang grupo pa ng fans na nagtatakbuhan papasok, at doon pa lang sa labas, tumitili na sila. Mukhang iyang pagtili ang expertise ng fans ngayon. Sana nga lang ang malakas na tilian ay mai-translate naman sa magandang kita ng mga pelikula.

Pero kung ikukumpara sa mga nakita naming crowd niyang KathNiel noong araw, mas maliit na crowd iyong nakita namin noong Linggo, kasi naman mas maliit ang venue na iyon. Dati doon sa atrium ng isang malaking mall punung-puno ng fans ni Daniel lamang. Wala pa doon si Kathryn. But that was a year ago. Medyo nagpalit ang trend. Kung noon sinasa­bing KathNiel ang number one at wala silang kalaban, ngayon may mga iba nang nakaangat. Iyon ding napakahabang panahon ng kanyang absence, dahil sa ginawa nga nilang pagkakampanya, may epekto iyon sa kanilang popularidad. We just hope na sa pelikula nila, makabawi naman sila nang husto.

After all, sabi nga ng isang nag-email sa amin, “aminin naman ninyo, sa lahat ng mga sikat na matinee idols ngayon pinaka-pogi si Daniel”. Iyon na.

Richard puwedeng pambawi ang Mulawin

Si Alden Richards ang lalabas na Lakan, ang isa sa mga orihinal na bida sa Mulawin noong araw, sa pagpasok ng character na iyon sa Encantadia. Experimental iyan. Oras na mas tumaas ang ratings niyan, at sinasabi ngang nakuha na nila ang mga urban areas, at nagustuhan si Alden bilang Lakan, asahan na ninyo ang dalawang bagay. Hahaba ang kanyang role sa Encantadia, o igagawa na rin nila ng remake ang Mulawin.

Ang Mulawin ang nagbangon sa GMA noon. Mas malaking hit ‘yan kaysa sa Encantadia noon.

Marami ang umaasa na kung ire-remake ang Mulawin, sana raw ay kunin ang orihinal na actor na si Richard Gu­tierrez. After all available naman siya para sa role.

Magandang pambawi rin sana ni Ri­chard Gutierrez ‘yan matapos ang mahabang panahon na ng kanyang pamamahinga. May ginagawa naman siyang ibang TV shows, pero kailangan sana niya ng isang mabigat na project kagaya ng Mulawin, kung mayroon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with