^

Pang Movies

Jennylyn plantsado ang career at lovelife

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Masaya si Jennylyn Mercado na nag-renew muli siya ng kontrata sa GMA 7 na siyang naging “tahanan” niya ng matagal na panahon.

Nakakasama raw niya ang mga tao, mula sa mga opisyal ng istasyon hanggang sa mga empleyado nito sa hirap at ginhawa mula nang magsimula siyang mag-artista.

Siya ang unang winner ng artista search na Starstruck.

Hindi siya binitiwan ng network nang ipanganak niya si Alex Jazz noong 2008. Nang mga panahong ito, akala niya ay katapusan na rin ng kanyang career sa showbiz.

Ang Superstar Duets nga ang una niyang programa pagkatapos niya muling pumirma ng kontrata sa Kapuso.

Noong dalawang nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF), nanalo siya ng best actress trophy sa pelikulang English Only, Please at pati na rin sa Walang Forever pero wala siyang entry sa taon na ito.

Masaya rin ang buhay pag-ibig ni Jennylyn dahil siya ang kasalukuyang “one and only” ni Dennis Trillo.

Love story nina Daniel at Kathryn untold pa rin!

Sa edad na 20 years old, nananatili pa ring “untold” ang love story ni Kathryn Bernardo sa kanyang ka-love team na si Daniel Padilla.

“Until the right time, kumbaga,” Kathryn smiles. “Basta ngayon, he is the most important man in my life, aside from my dad and male siblings. And not only because ka-love team ko siya, kundi dahil talagang napakabait niya sa akin,” sabi ni Kathryn.

Bagay na bagay daw ang title ng bagong pelikula nila ni Daniel na Barcelona: A Love Untold dahil isa raw ito sa pinakamagandang proyekto na pinagsamahan nila.

“Maraming first na napapanood sa amin ang moviegoers sa pelikulang ito,” ani Kathryn. “Which I will not articulate. Pero, tiyak magugustuhan ng aming fans and followers,” susog pa ni Kathryn.

Si Direk Olive Lamasan ang namamahala ng pelikula at ito ay produksiyon ng Star Cinema.

AiAi at Megan may nakaraan na

Hindi pala ang Mighty Yaya under Regal Entertainment ang unang pelikula na pagsasamahan nina AiAi delas Alas at Megan Young.

Gumawa na raw sila ng series kasama si Aga Muhlach at si Jeffrey Jeturian ang nag-direk nito sa ABS-CBN.

Kung sabagay, ‘di gaanong nagtagal ang serye.

Mighty Yaya has Jose Javier Reyes at the helm.

In four years, pinapangarap ni AiAi na makasal sa kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan, na almost 30 years ang kanyang tanda.

Tested na ni AiAi kung gaano ka-in love sa kanya si Gerald. In him, sigurado siya na nahanap na niya ang kanyang perfect match.

Edu walang alam sa nangyayari sa lovelife ni Luis

Sinabi ni Edu Manzano na minsan lang niya bigyan ng advice ang anak na si Luis Manzano, unless daw kung mismong si Luis ang humingi nito sa kanya.

Sabi pa ni Edu, 35 years old na nga naman si Luis at alam na alam na nito kung ano ang tama at mali.

Hindi raw siya yung tipo na nangingialam lalo na sa lovelife ng kanyang dalawang anak na lalaki na sina Luis at Andre.

As we all know, halos sabay naghiwalay sa kani-kanilang mga girlfriend sina Luis at Andre. Si Luis kay Angel Locsin. Si Andre naman kay Cheska Mendiola, na anak ng kapatid ni Senator Bong Revilla.

Wala rin siyang idea kung on na o hindi pa sina Luis at Jessy Mendiola.

Edu, for his part, would rather not discuss his current affairs of the heart. Kasalukuyang naka-focus  siya sa kanyang upcoming series, Someone To Watch Over Me, na eere sa GMA 7 at si Direk Maryo delos Reyes ang magdidirihe nito.

Edu, like Direk Maryo, is being managed by June Rufino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with