^

Pang Movies

Kathryn feeling protected sa mga hawak ni Daniel

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon sa grand presscon ng Barcelona, A Love Untold, talaga namang parang nilalanggam ang dalawang bida na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa sobrang sweetness.

Lagi silang magka-holding hands and at times ay nakapatong pa ang kamay ni Daniel sa hita ni Kathryn.

Pero ayon naman sa Teen Queen, iyon daw ang way ni DJ to protect her.

“As a woman masarap ‘yung pakiramdam na may nag-aalaga sa ‘yo, feeling protected ka kapag nandiyan si DJ, nararamdaman ko.  And hindi kasi lahat ng lalaki ganu’n. Ang konti na lang ng natitirang ganu’n na lalaki and I’m very happy kasi si DJ nakikita ng mga kabataang lalaki na dapat res­petuhin nila ang babae para makuha mo rin ang respeto ng babae,” sey ni Kathryn.

Five years na ang KathNiel loveteam and still going strong pa rin kaya natanong ang dalawa kung ano ang mga ipinagpapasalamat nila sa kanilang tambalan.

“Siguro ‘yung hanggang ngayon na narito kami para sa isa’t isa sa five years na ‘yun, solid pa rin kami at walang makakasira no’n,” pahayag ng Teen Queen.

Ganu’n din naman ang sagot ng Teen King.

“Siguro ‘yun din, five years na samahan namin, habang-buhay na pagsasama namin, kundi ang mismong KathNiel.  Imagine mo, limang taon at hanggang ngayon, patigas pa rin kami nang patigas.

“Alam mo ‘yun maraming salamat sa lahat ng tao at kay Kathryn dahil ang galing, eh, limang taon at wala kaming hinahanap na sinuman, masaya lang kami,” sey ni DJ.

Diretso ring natanong sa dalawa kung sila na ba talaga at sey ni Daniel,  “‘Di ko masasabing kami, pero ganu’n na rin ang dating siguro, puwede na ba sa inyo ang sagot na ‘yun?”

Nang si Kathryn naman ang tanungin, sey niya, “Ganu’n naman na, kahit hindi namin sabihin, parang naintindihan ng mga tao at respeto nila sa amin dalawa na hindi na magtanong, or ‘okay magkaibigan sila.’  Si DJ kasi will always have a special place in my heart.”

Samantala, sa Barcelona, A Love Untold ay kakaibang Kathryn and Daniel na raw ang mapapanood ng kanilang mga fans.

“Sa mga KathNiel fans, I think magugulat sila, eh, ‘pag napanood nila. Magugulat na maninibago sila sa amin ni Kathryn. Ang layo na, maninibago na kayo, Diyos ko, ibang-iba ‘to sa Crazy (Beautiful You) at She’s Dating (The Gangster), ang layo na ng characters namin do’n,” sey ni Daniel.

When asked kung finally ba ay mapapanood na ang matagal nang hinihintay ng mga fans na kissing scene, hindi man kinumpirma ni Daniel, pero parang ganu’n na nga.

“Siguro, ito na ‘yung movie na. . .eto na ‘yung mababalik namin (sa fans) sa five years na suporta sa amin. Ito na siguro ‘yung regalo namin sa kanila and way para ipakita ang pasasalamat namin sa limang taong suporta sa amin. ‘Yun na lang muna,” sey ni DJ.

Mula sa direksyon ni Olivia Lamasan, showing na ngayong Sept. 14 ang Barcelona, A Love Untold. Kasama rin sa movie sina Aiko Melendez, Joshua Garcia, Joey Marquez, Ana Capri, Chris Villanueva, Liza Dino at Ricky Davao.

Jennylyn pagod na sa pakikipagsampalan

Hindi pa rin masabi ni Jennylyn Mercado kung matutuloy ba o hindi ang kanyang teleseryeng My Love From The Star na supposedly ay pagsasamahan nila ni Alden Richards.

Sey niya sa presscon kahapon para sa bagong show sa GMA 7 na Superstar Duets which she will be hosting, inaayos pa raw ng management and wala naman daw problema sa kanya dahil nga may ibinigay naman na bagong show sa kanya at excited na nga raw siya sa pagsisimula nito.

“Parang ano siya, eh, parang pang-break siya sa lahat ng ginagawa ko. Kasi, usually, di ba, pag sa GMA, soap, or live shows, guestings.

“Mas nare-relax ako (sa Superstar Duets) kasi siguro, walang masyadong effort, magsasalita ka lang, makikipag-banter ka lang, ganu’n lang. Makikipag-usapan ka lang sa mga contestants, hindi mo na kailangang umiyak or sampalin, ganyan. So mas madali para sa akin,” sey ni Jen.

Pero na-disappoint ba siya na hindi na muna matutuloy ang MLFTS?

“Okay lang. Kasi mahirap pag pinilit natin, eh. So mas maganda ‘yung maging patient lang. Antayin na lang natin kung ano ‘yung pwedeng dumating.”

As we all know, nagkaroon ng problema ang MLTFS dahil hindi na pwede ang kanyang leading man na si Alden Richards. When asked kung may napipisil ba siyang pwedeng ipalit sa aktor, aniya ay wala dahil ipinamamahala na raw niya sa bossing ng GMA 7 kung sino ang gusto ng mga ito.

Sa ngayon ay sa Superstar Duets muna raw siya magpo-focus na mapapanood every Saturday starting on Sept 3. Ang nasabing newest celebrity singing competition ay first in the Philippines at original concept ng GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with