^

Pang Movies

Sylvia napapayag si Sharon na kumanta para sa serye

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Lalong nararatrat si Sylvia Sanchez ngayon dahil ilang araw na lamang ay eere na ang primetime series na inihanda ng ABS-CBN para sa nanay ni Arjo Atayde, isang seryeng mas lalong magpapa­lutang sa galing ni Sylvia sa pag-arte.

Kuwento ito ng isang ina na hindi minahal ng lahat ng kanyang anak nang siya’y tumanda at magkaroon ng Alzheimer’s Disease o sakit sa pagkalimot.

Pinamagatan itong The Greatest Love na ipalalabas na sa September 5, 2016. Kaya naman natetensyon na si Sylvia at hindi na halos makatulog at makakain. Kasama niya rito ang pawang patuloy ding lumilikha ng kanilang pangalan sa larangan ng showbiz na sina Dimples Romana, Matt Evans, Arron Villaflor, Joshua Garcia, Andy Eigenmann, Rommel Padilla, at marami pang iba.
Ayon kina Ricky at Direk Brondial, ang isa pa sa pinakamalaking bonus at excitement for Sylvia ay ang pagpayag ng Megastar lang naman, Sharon Cuneta na kantahin ang theme song ng nasabing primetime series.

PMPC pinaghahandaan na

Sa October 27, ang Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa Novotel, Cubao, Quezon City.

Produced ito by Airtime Marketing, Inc. nina Jun Howard at Tess Celestino-Howard.

More updates to come for this yearly big event ng PMPC. Ilan sa mga paborito nating musikero ay makakatanggap ng mga prestihiyosong parangal gaya na lamang ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award na matatanggap ni Dulce at Levi Celerio Lifetime Achievement Award naman kay Vic del Rosario.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with