^

Pang Movies

Sanya nag-birthday sa piling ng mga babaeng biktima ng pag-aabuso

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-celebrate ng kanyang ika-20 birthday ang isa sa mga sanggre ng Encantadia na si Sanya Lopez sa The Haven: National Center Women sa Muntinlupa.

Sinusuportahan nga ni Sanya ang mga babaeng naging biktima ng pang-aabuso. “Naniniwala ako na ang mga babae, dapat iginagalang at inirererespeto kaya gusto ko silang ipaglaban.

“Naniniwala rin kasi ako na ‘yung babae at lalaki, dapat may pantay na karapatan.

Pinaalala rin ng Kapuso actress na huwag silang bumitaw sa kanilang mga pangarap. Hindi porke’t dumaan sila sa isang pagsubok ay susuko na sila. Kailangan ay hindi sila mawalan ng pag-asa sa buhay. “Merong mga panahon na ‘yung pangarap mo, parang hindi mo aakalaing maaabot mo. So minsan, kailangan lang natin ng tamang paghihintay.

Derrick, Ken, at Martin nagsanib-puwersa nang sabihang bakla

Kabilang sina Derrick Monasterio, Ken Chan at Martin del Rosario sa lumalaban kontra cyberbullying sa #HeartOverHate campaign ng GMA na mayroon nang mahigit 500,000 views sa Facebook.

Inamin ng tatlong hunk actors na nakaranas sila ng pambabatikos mula sa mga bashers online. Pareho-pareho silang tatlong tinatawag na bakla.

Sagot ni Derrick sa akusasyon na ito, “Sobrang confident ako sa sexuality ko na wala akong kaila­ngan i-prove.

“Feeling ko alam ko ‘tong issue na ‘to. Masasabi ko lang, na-explain ko na ang sarili ko at basahin niyo na lang ‘yung past interviews ko.”

Si Martin naman ay tinatawag na “Ate” ng isang netizen at binatikos din ang kanyang pagiging balbon.

Si Ken naman ay ginawang katatawanan ang pagganap niya sa isang teleserye bilang isang transwoman.

JLo kinalasan na ang boyfriend!

Single na ulit si Jennifer Lopez dahil naghiwalay na sila ng tuluyan ng kanyang dancer-boyfriend na si Casper Smart pero nanatili pa rin silang magkaibigan.

Nagsimula ang relasyon ni J.Lo at Casper noong 2011 at naging on-again, off-again ang relasyon nila.

Magkasama pa ang dalawa last July 24 noong birthday ni Jennifer sa Las Vegas. Nanood pa si Casper ng show nito sa Caesar’s Palace kasama ang ex-husband ni Jennifer na si Marc Anthony at ang model wife nito na Shannon de Lima.

Busy ngayon si J.Lo sa shoot ng kanyang series na Shades of Blue sa Los Angeles. Sa kanyang huling interview, nasabi nito na kaya niyang maging masaya on her own.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with