^

Pang Movies

Vice, John Lloyd, at iba pa susunod na?! Jake at Enrique lusot sa drug test, 100% negative

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

At least vindicated sina Enrique Gil and Jake Cuenca matapos silang mag-negatibo sa voluntary drug test na supervised ng Star Magic.

Parehong pinag-iisipan ng masama ang dalawang Kapamilya actor at pilit na isinasabit sa paggamit daw ng party drugs. Eh ngayon ano kayang masasabi ng mga nagdadawit sa pangalan nila? Umabot sa 40 alagang artista ng Star Magic ang nag-positive sa drug test.

Sinasabing ang showbiz ang susunod na pagtutuunan ng pansin ng kampanya laban sa droga ng pamahalaan ni President Duterte.

Sana nga magpa-drug test din ang iba pang Star Magic actor lalo na ang mga sikat para magsilbing encouragement sa lahat ng mga artistang totoong biktima ng masamang bisyo.

Siyempre mas maigi kung susunod na magpa-drug test sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vice Ganda, John Lloyd Cruz, Gerald Anderson among others. Wala namang masama. Kabibiliban nga sila. 

Dahil sa failed proposal, Ellen isinugod sa hospital

Dahil sa singsing, isinugod sa hospital ang sexy star na si Ellen Adarna.

Makikita sa kanyang Instagram ang isang video kung saan kinailangang putulin ang singsing na na-stuck sa kanyang pointing finger.

May kasama siyang foreigner na sumugod sa emergency section ng isang hospital sa Manila base sa kanyang Instagram video post. Nang i-check namin ang IG account ng nasabing companion niya, wala namang hint na ito ang boyfriend ni Ellen dahil nga nakalagay sa caption niya ay ‘failed proposal.’

Pero maraming nanghinayang sa sing­sing. Ang comment ng followers niya, sana raw naghugas na lang siya tubig na may sabon at sure ‘yun matatanggal ang nasabing singsing.

Lately ay inactive ang career ni Ellen. Originally, ay kasama siya sa cast ng Camp Sawi pero balitang umayaw siya.

Mark at Aicelle todo buyangyang sa social ang relasyon

Ay may ilan palang hindi natutuwa sa openness ng relasyon ng GMA reporter na si Mark Zambrano at ng singer na si Aicelle Santos sa social media particularly sa Instagram.

Sabi nila, oo nga raw at proud sila sa pagmamahal sa isa’t isa, pero hindi na sila mga bata. At reporter nga naman ng hard news si Mr. Zambrano. Parang nakakailang nga namang makita siya sa social na nagpapaka-in love ng sobra pero napapanood sa mga maaksiyong balita.

Sana raw pakasal na lang sila at ‘wag nang masyadong ibuyangyang sa social media ang relasyon nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with