^

Pang Movies

Robin may hinaing sa mga benepisyo ng artista sa gobyerno

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang tama naman ang hinaing ngayon ng actor na si Robin Padilla. Ang laki nga naman ng tax na nakukuha ng gobyerno sa industriya ng pelikula at lalo na sa mga artista na kabilang sa nagbabayad ng pinakamalalaking income tax.

Taun-taon naman iyan na mismong ang BIR ang naglalabas ng kung sino ang may pinakamalaking ibinabayad at karaniwan nang kasama doon sa listahan nila ay ang mga artista.

Pero ang tanong nga ni Robin, ano naman ang nakukuha ng mga artista mula sa gobyerno? Bakit may mga artistang pagdating ng araw ay walang-wala at kailangan pang ipanghingi ng tulong kung may sakit na?

May mga artistang tumitira na lang sa squatters area dahil ni walang pambayad ng bahay. Pero noong kalakasan ng kanilang career, nagbayad sila ng napakalaking tax.

Sinasabi nga nila na ang industriya ng pelikula sa Pilipinas ang siyang sinisingil ng pinakamalaking tax. May tax na at may EVAT pa ang lahat ng mga raw materials, at tingnan ninyo ang inyong ticket sa sine, malaki rin ang tax na sinisingil sa inyo kaya umaabot ng mahigit na dalawandaang piso ang bayad sa sine.

Sa Amerika, isang bahagi ng kinikita ng mga sinehan ay itinatabi para sa welfare ng mga artista. Dito sa atin, tuwing festival lang ibinabalik sa industriya ang tax, at hindi lang naman ang industriya ang nakikinabang doon. Nakikihati pa ang mga ahensiya ng gobyerno kagaya ng Optical Media Board at ang Social Fund ng presidente ng Pilipinas.

Bukod pa iyong sinasabing “cash gifts” na nakukuha ng mga opisyal ng MMDA para sa kanilang “pagpapagod” para sa festival.

Kailangan na nga siguro nating pag-aralang mabuti iyan. Iyong karamihan ng mga taga-showbiz na nakatulong sa kampanya ni Presidente Digong Duterte, tumanggap na ng kanya-kanyang puwesto sa gobyerno, papaano naman ang kanilang mga kasama? Tama si Robin eh, iyan ang tingnan natin.

Mayor Herbert bumuwelta sa mga bintang na protektor siya ng droga

Hindi na nakapaghintay si Mayor Herbert Bautista na makabalik sa Pilipinas mula sa kanyang sinamahang peace negotiations sa Norway.

Sinagot niya agad ang bintang sa kanya na siya ay kumakalinga sa mga nagdodroga.

Una, sinabi niyang wala siyang kinalaman sa pagkakatalaga sa Quezon City ng dalawa sa sinasabing “narco generals”. Ikalawa, noong panahong siya ang vice mayor, siya ang nag-asikaso sa kaso ng droga sa lunsod, kasi sinasabi niyang by tradition, simula pa noong panahon ni Mayor Adelina Rodriguez, ang nanga­ngasiwa na sa mga kaso ng droga sa lunsod ay ang vice mayor.

Ikatlo, sinabi niyang hindi siya dapat pagbintangang kinunsinti ang kapatid ni­yang si Hero sa droga, dahil iyon ay may sarili nang buhay, may pamilya na at 48 anyos na kaya hindi na niya ito pinakikialaman. Sinabi pa nga niyang bihira nga silang magkita kaya hindi niya alam ang sitwasyon.

Pagdating ni Mayor Bistek, sasagot pa iyan.

Katawan ni James Reid ginawan ng tsismis

Ewan kung bakit naman may gumawa pa ng tsismis na hindi raw totoong katawan ni James Reid ang nakita sa kanyang bagong commercial endorsement kundi katawan ng ibang modelo, at idinugtong lang ang ulo ni James.

Ngayon inilabas naman ang video ng behind the scenes ng nasabing commercial kaya maliwanag na wala ngang stand in para kay James. Bakit kaya nila naiisipan na gumawa ng ganoong mga tsismis na mabubuko rin naman kalaunan?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with