^

Pang Movies

Sa sobrang taklesa, Zoren inawat ni Carmina sa pagdadaldal

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakakatuwa ang pagiging taklesa ni Zoren Legaspi sa presscon ng Till I Met You. Kung anu-ano kasi ang ibi­nuking niya tungkol sa co-star na si Angel Aquino habang nagti-taping sila sa Greece.

Kaya naman nang tanungin silang mga senior cast kung ano ang kaibahan working with James Reid and Nadine Lustre than any other loveteams, sinalo na ito ng misis niyang si Carmina Villaroel.

Nakatrabaho na rin kasi ni Zoren ang LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) sa Forevermore, at pauna ng aktor, mahirap daw mag-compare dahil mahirap ma-bash.

Nagsisimula pa lang si Zoren ay sumingit na si Mina and said, “wait lang, ha, because he’s too honest”, sabay-pakiusap sa asawa, ‘Daddy, please, stop. Can you just concentrate na lang sa kanila (JaDine)?’ Ninenerbyos ako sa kanya.”

Kaya ang ending, say na lang ni Mina sa asawa, “pwedeng ako na lang ang sasagot? Thank you for that wonderful answer.”

And in fairness to Carmina, ang ganda naman talaga ng sagot niya.

Aniya, “I’ve work with other ka-loveteam, but mas maigi na I don’t want to compare them to the other loveteams. Magkakaiba silang lahat.

“Ako, honestly, I’m so excited nun’g malaman ko na makakatrabaho ko sila. Super-excited. Coz I’ve worked with Nadine, pero sa commercial lang, ‘yung MET, pero ‘yung silang dalawa, sobrang thrilled, sobrang thankful, sobrang happy.”

Dagdag pa ni Mina, sobrang fan daw siya ng On the Wings of Love na first teleserye ng JaDine at talagang kinikilig siya sa dalawa noon pa.

“Ang masasabi ko, they’re super popular, super famous, and yet, they’re so humble. Gusto ko sa kanila kasi, bumabati sila, very respectful, they’re very dedicated sa kanilang mga trabaho.

“Kaya kung nasaan man sila ngayon, deserved nila,” sey pa ni Mina.

Pokwang may ibinuking kina James at Nadine

Ayon naman kay Pokwang, first time raw niyang makatrabaho ang isang love team sa Till I Met You.

“’Yung mga nakaraan ko kasing show, wala namang love team na ganito. Ariana, wala. Mirabella, We Will Survive, Nathaniel.

“In fact, sila (JaDine) ang excited na makatrabaho ako,” say ni Pokwang na ikinatawa ng lahat. Pati sina James at Nadine ay tawa nang tawa.

“Aminin n’yong dalawa,” sey pa ni Pokie kina James at Nadine.

“Sila ang excited na makatrabaho ang isang Pokwang. Bakit? Tinatanggal ko antok nila sa set, eh. Ang pangalan ko dito, Agnes ‘pag 7am. ‘Pag lumalalim na ang gabi, Agnas na.

“Pero nagtatawanan pa rin kami sa set. Ganu’n sila. Kagaya ng sabi ni Mina, tao lang din sila. Na alam mo ‘yun, kapag nakikita mong napapatawa mo sila sa kabila ng mga pagod nila. Na alam naman nating parang kabayo kung magtrabaho itong mga batang ito.

“Pero ‘pag nakikita mong napapatawa mo sila, parang pati ‘yung pagod mo, nawawala na rin,” say pa ni Pokie.

At fan din pala ng OTWOL ang komedyana kaya naman looking forward din siya na makatraho ang JaDine.

Angel kilig na kilig sa titigan ng JaDine

Si Angel naman, tulad din nina Mina at Pokwang ay avid viewer din ng OTWOL.

“’Yun na nga, nu’ng napanood ko ‘yung OTWOL and I was a big fan, gusto ko talaga silang makasama in person,” kuwento ni Angel.

One time ay na-meet daw niya ang da­lawa sa isang event at sobrang na-starstruck siya.

“Cute na cute ako sa kanila, I find them cute. One without the other. . .well, individually, they’re great people and I love them as actors. Pero together, talagang iba ‘yung magic ng JaDine talaga.

“I don’t know why but when you see their eyes looking at each other, wala na, parang matutunaw ka na rin.

“At ang galing kasi ni direk (Antoinette Jadaone) magpakilig. Grabe! ‘Yung babad ng mga close-up, mata, ganyan, wala na, you’re taken, ganu’n,” pahayag pa ni Angel na talagang obvious na certified fan ng JaDine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with