^

Pang Movies

Megan tuloy ang raket sa Miss World

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mali ang mga hula na ang TV5 ang media partner ng Viva Entertainment at CQ Global Quest, Inc. sa Miss World Philippines 2016.

Pumirma na ng kontrata ang mga big boss ng Viva Entertainment at CQ Global Quest, Inc. sa GMA Network, Inc. kaya rito mapapanood ang live coronation night ng Miss World Philippines.

Hinihintay na lang ang announcement tungkol sa final date ng coronation night ng Miss World Philippines pero sure nang mang­yayari ito sa Wa­shington DC sa December 2016.

Mula nang makuha ni Cory Quirino ang franchise ng Miss World Philippines, pala­ging napapansin sa Miss World contest ang mga Filipina candidate at pinaka-successful si Megan Young, ang first Pinay na nag-win ng Miss World crown noong 2013.

Tatlong taon nang tapos ang reign ni Me­gan bilang Miss World pero paborito pa rin siya ng Miss World Organization. Iniimbitahan si Megan bilang emcee ng Mr. World at Miss World dahil gustung-gusto ni Julia Morley ang ugali niya. Isa si Megan sa mga pinakamabait at madaling pakisamahan na Miss World title-holder.

Paolo dumami ang fans dahil sa talent

May dahilan para maging maligaya si Paolo Ballesteros dahil malakas ang dating ng teaser ng kanyang launching movie, ang Die Beautiful.

Nangangamoy blockbuster ang solo movie ni Paolo kapag ipinalabas ito sa mga sinehan dahil sa talent niya sa pagpapalit ng anyo.

Julia Roberts ang face ni Paolo sa isang simpleng eksena na naglalakad siya, ala-Pretty Woman. Positive talaga ang epekto sa publiko ng talent ni Paolo sa make up transformation dahil dumami ang mga tagahanga niya na excited nang mapanood ang Die Beautiful.

Libu-libo kung maningil

Aktres na hindi na aktibo sa mga serye, ginagawang raket ang pagiging blogger!

May ibang career ang mga female star na hindi active sa mga teleserye.

Hindi man sila mabigyan ng mga raket sa TV at pelikula, ang pagiging blogger ang kiyeme-kiyemeng pinagkakaabalahan ng mga artista na walang mga television assignment.

Hindi ko na iisa-isahin ang mga pangalan nila dahil knows nila kung sino sila.

Ang tsismis na nakarating sa akin, between P6,000 and P10,000 ang singil ng mga celebrity blogger sa mga company owner na gustong ma-feature ang mga produkto nila sa blog ng mga artista. Magandang raket ha?

Ang tanong, nagbabayad ba ng buwis ang mga blogger, celebrity man o hindi, na malaki pala ang mga kinikita? Kahit pala isang simpleng post sa Instagram account ng mga kilalang blogger, libu-libong piso ang singil nila dahil sa claim na libu-libo at milyun-milyon ang kanilang followers!

Alam ba ng mga inosenteng followers na paid pala ang mga post sa social media at blogs ng kanilang mga nire­respeto at hinahangaan na bloggers?

Na kahit hindi bongga ang mga produkto, basta pro­perly paid ang blogger, may-I-post ito sa mga blog at social media accounts nila? Sino ngayon ang mga biktima? Ang mga pobreng followers na walang alam sa mga raket ng mga blogger!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with