^

Pang Movies

Andi at Albie friends na ulit

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Pagkatapos maglitanya si Andi Eigenmann sa Twitter ng kanyang buwelta kay Jake Estrada dahil akala ng binata ay nagagamit siya para sa promo ng movie na Camp Sawi ng Viva Films, feeling ng  aktres ay naipaliwanag na niya ang kanyang side sa dating karelasyon.

Mukha ngang naka-move ?on na si Andi kay Jake dahil naaaway at nakukuwento na nito ang kanyang pinagdaanan sa dating nobyo. Pero para hindi na maulit ang nangyari, desidido na ang aktres na hindi sumagot sa mga darating na interview patungkol kay Jake. 

Basta masaya si Andi sa buhay niya ngayon at aminado ang aktres na mas inspired siya dahil sa kanyang non-showbiz boyfriend. Ayaw pag-usapan ng aktres ang kanyang nobyo dahil hindi nga ito showbiz at gusto nitong irespeto ang pribadong buhay ?nito na very supportive sa kanyang career. Wala na nga raw puwang sa kanya si Jake dahil happy na ito sa kanyang love life.

Samantalang inamin din ni Andi sa kanyang interview na matagal na silang okey ni Albie Casiño. Sapat na raw kay Andi ang sorry ng aktor at  friends na muli sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with